Advertisers
Ang kasong Plunder na napapaloob sa Republic Act 7080 o Anti-Plunder Act ng ating Konstitusyon ay may jail time o parusang Reclusion Perpetua o pagkakakulong ng hanggang 40 taon. Ang isang SERBISYO-SIBIL O TAONG GOBYERNO — nagiisa man o may kasapakat na nagkamal ng di-maipaliwanag na yaman na Php50,000,000.00 o mahigit ay nabibilang sa o sakop ng kasong Plunder o pandarambong.
Ang isang kinasuhan at napatunayang nandambong ng ganito kalaking salapi mula sa kaban ng bayan ay habang buhay na hindi makababalik sa kanyang puwesto sa pamahalaan o sa alin mang sangay ng gobyerno. Hindi rin siya makakaboto sa tuwing may halalan o eleksyon.
Maiilit ng pamahalaan o ng gobyerno ang yamang sangkot na di-maipaliwanag kung saan ito nagmula o nanggaling. Kahit ang mga yamang ito ay nasa pangalan o kamay ng isang numbradong kaibigan o kaanak o kahit sino mang nilipatan ng mga ari-ariang pinaniniwalaang galing sa baluktot na pamamaraang ito (pandarambong) karapatang ng gobyerno na ito ay bawiin.
Ang napatunayan ng husgado na nagkasala ng pandarambong ay mawawalan din ng karapatan sa kanyang retirement, gratuity at separation benefits.
Sa oras na ang isang serbisyo-sibil (o taong gobyerno o pulitiko) ay nasakdal na at kinilala na ng husgado, agaran siyang suspendido hanggang sa dinidinig ang kanyang kasong Plunder o pandarambong.
Walang piyansa (NO BAIL) ANG PANDARAMBONG DAHIL ITO AY MAY PARUSANG RECLUSION PERPETUA….LALO PA’T MALAKAS ANG EBIDENSYANG NAKITA NG MGA TAGA-USIG.
Sa loob ng 20 taon na simula na ang kaso ay naganap at nadiskubre, ang bisa ng pagsasampa ng kasong Plunder ay may bisa. Maaring sa loob ng 20 taon mapaso ang pagdinig sa kasong pandarambong, NGUNIT ANG KARAPATAN NG GOBYERNO NA BAWIIN ANG MGA ARI-ARIAN O YAMANG SANGKOT AY HINDI MAPAPASO O MAPAPAWALANG-BISA.
KAHIT PA ANG MGA YAMAN O ARI-ARIANG NABANGGIT AY NASA KAMAY NINUMAN, MAY KARAPATAN ANG GOBYERNO NA ITO AY BAWIIN!
Sa kasalukuyang sina Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada ay napipiit sa QC Jail sa kasong PLUNDER O PANDARAMBONG. SI ESTRADA AY PINANINIWALAANG NASA PANGATLO NA NIYANG KASONG PANDARAMBONG.
Sa mga oras na ito, umiinog ang balitang humihingi ng karapatang makapagpiyansa ang dalawang nabanggit na miyembro ng Senado at gayun na rin upang makadalo sa Senate Impeachment Trial ng kanilang kaalyadong si Sara Zimmerman Duterte.
Ang bola ay nasa kamay na ng husgadong siyang naglabas ng kanilang mandamiento de aresto…kung ang hiling ng dalawa ay pagbibigyan???
Ang galang ay para sa kagalang-galang…iyan po ang mantra ng isang sibilisadong lipunan ng mga tao na ang hangad ay katarungan. Ang nakakulong na mga ito ay walang karapatang banggitin sa social media na “ang nakakulong ay KARAPATAN ng TAUMBAYAN!?”
MAHIYA KA > NUONG NAGMUMUNI KA SA RANGYA AT KASIKATAN NI SA HINUHA O GUNIGUNI HINDI MO NASAMBIT ANG KATAGANG TAUMBAYAN???? NGAYO’T NAKAKULONG KA IDADAMAY MO PA KAMING TAUMBAYAN???
KATARUNGAN PARA SA LAHAT — YAN ANG HILING NG TAUMBAYAN!