Advertisers
TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang mastermind o nasa likod ng pagbaril-patay sa vlogger na si Mima Alicia sa Caloocan City.
Ayon kay PNP Chief, General Jose Nartate Jr., negosyante at mag-partner ang mga ito ibig sabihin mag-boyfriend o mag-asawa.
Bagama’t tumanggi si Nartatez na tukuyin ang pagkakakilalan ng nasabing mastermind, “they are named, we unmasked them and his name and are at large.”
Sinabi ni Nartatez na may pagkakautang na umaabot ng P8 million ang biktima sa suspek bilang motibo ng krimen.
“It’s about the profession and as well as they have personal grudge or personal disagreements na nagsimula sa utang. Sila lang the mastermind and the vlogger and the victim,” pahayag ni Nartatez.
Aniya, umanot sa P8 million ang utang ng biktima sa mga mastermind.
” As of now that is the motive but if we have other motive the mastermind siya lang,” saad ni Nartatez.
Si Alicia ay pinagbabaril ng dalawang lalaki na ikinasawi noon din, at ikinasugat ng kinakasama nito sa Caloocan City July 17, 2026.
(Mark Obleada)