Advertisers

Advertisers

P7.2-T panukalang budget sa 2027 isusumite sa Kongreso bago ang Aug. 14 – DBM

0 6

Advertisers

PLANO ng Department of Budget and Management (DBM) na isumite ang P7.2 trilyong panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon sa Agosto 14.

Ang target na pagsumite ng National Expenditure Plan (NEP) para sa 2027 ay dalawang linggo matapos ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 27.

Pasok naman ito sa itinatakda ng batas na 30 days mula nang buksan ang regular legislative session na kasabay ng SONA.



Una nang itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na pinamumunuan ng DBM ang pambansang badyet sa susunod na taon sa P7.2 trilyon o katumbas ng 21.7% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Mas mataas naman ng anim na porsyento ang panukalang pondo sa 2027 kumpara sa kasalukuyang P6.793 trilyong badyet ngayong 2026.



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">