Advertisers

Advertisers

5 terorista todas sa bakbakan sa Cotabato

0 4

Advertisers

TODAS ang limang kasapi ng teroristang Dawlah Islamiya (DI) sa kamay ng mga sundalo at pulis sa isang encounter sa Barangay Inug-ug sa magulong bayan ng Pikit, Cotabato, hapon ng Huwebes, August 6.
Magkahiwalay na kinumpirma ng local executives sa probinsya, ng mga officials ng 602nd Infantry Brigade, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ng Cotabato Provincial Police Office na ang limang nasawi ay sina Marhum Sendig Esmael, Halim Sansawi Usman, Ali Manduh Usman, Rasul Bundas Tito at Bebeh Ayunan Camsa, mga kilalang nalalabing miyembro ng nabuwag ng DI, da-ting Abu Sayyaf Group.
May malaking presensya ng mga nalalabi pang miyembro ng nabuwag ng DI sa Pikit kungsaan maraming naganap na pamamaril-patay nitong nakalipas na dalawang taon, lahat hindi nalutas ng lokal na kinauukulan.
Ang limang napatay na mga terorista ay wanted sa multiple murder, multiple frustrated murder, extortion, armed robbery, arson at trafficking ng iligal na droga na nakabinbin sa iba’t-ibang korte sa Cotabato City at sa mga probinsya ng Maguinda-nao del Sur, sa Cotabato at saSultan Kudarat.
Sina Usman at Hassan ay parehong wanted din sa kanilang dokumentadong pagka-kasangkot sa pag-ambush sa isang police patrol team sa Shariff Aguak nitong March 28 kungsaan limang pulis ang nasawi at tatlong iba pa ang sugatan sa insidente.
Kabilang sa mga armas na natagpuan sa tabi ng mga bangkay ng terorista ang isang government property na combat rifle ng isang pulis na si Patrolman Apollo Pagurayan, na na-ambush kasama si Patrolman Joerel Basilan Bullos noong July 7 sa Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat.
Ang napaslang na dalawang pulis ay parehong kasapi ng 1202nd Company ng Regional Mobile Force Battalion12 ng Police Regional Office 12.
Ayon kina Brig. Gen. Ricky Bunayog, ang bagong talagang acting commander ng 6th Infantry Division, at kay Col. John Mangahis na direktor ng Maguindanao del Sur provincial police, ilang residente ng Barangay Inug-ug ang mismong nagsuplong ng presensya sa kanilang lugar ng limang teroristang napatays.