Advertisers

Advertisers

Lacson: Imbestigasyon ng PRA sa reclamation sa Taguig, naantala dahil sa pagbabanta ni Cayetano

0 4

Advertisers

NAANTALA umano ang imbestigasyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa reclamation activities sa bahagi ng Taguig City matapos umanong i-pressure ni dating Senate President Alan Peter Cayetano ang mga opisyal ng ahensya sa budget deliberations ng Office of the President noong Nobyembre 2025.

Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, batay sa impormasyong nakuha niya mula sa mga opisyal ng PRA, ipinatawag umano ni Cayetano ang mga kinatawan ng ahensya sa kanyang opisina at nagbantang ipasususpinde ang deliberasyon sa budget ng Office of the President.

Ayon kay Lacson, naging dahilan ito upang ma-pressure ang mga opisyal ng PRA at tuluyang maantala ang kanilang imbestigasyon sa reclamation sa Taguig.



Kasunod nito, ibinunyag ng senador na muling magsasagawa ng imbestigasyon ang PRA sa ektaryang lupa kung saan itinayo ang umano’y ilegal na reclamation.

Kinumpirma rin umano ng PRA na walang reclamation permit na nakuha ang Taguig City government para sa naturang proyekto.
Ayon kay Lacson, kung isinagawa ang reclamation nang walang permit mula sa PRA, ang ahensyang may mandato na mag-regulate ng reclamation at mag-isyu ng kinakailangang permit, ang lohikal na hakbang ay ang forfeiture ng reclaimed land pabor sa national government.



Samantala, sinabi ni Lacson na nasa Ombudsman na ang mga dokumentong nakalap nila kaugnay ng mga umano’y anomalya sa flood control projects sa Taguig, kabilang ang mga case study at affidavits ng mga testigo.

Hindi na rin umano niya ipipilit ang pagdinig sa Blue Ribbon Committee, at ipauubaya na sa chairman nitong si Senator Erwin Tulfo kung tatawagin pa sa public hearing ang mga usapin sa Taguig.



Gayunman, sinabi ni Lacson na mahalagang maimbestigahan ang mga alegasyon dahil patuloy na nakararanas ng pagbaha ang mga residente habang bilyun-bilyong piso ang nailaan para sa flood control projects.