Advertisers
NASA 15 katao ang nasawi, 13 ang sugatan at 6 nawawala sa pananalasa ng Habagat sanhi ng mga bagyong Luis at Maymay, ayon sa Philippine National Police (PNP).
“Our personnel on the ground has recorded a total of 34 casualties, 15 of whom are deceased, 13 injured at may nawawala pa pong 6. Of course this is still to be validated and officially announced by the OCD but ito po yung nakuha natin sa ground,” pahayag ni Colonel Allen Rae Co, PNP spokesperson.
Ayon kay Co, nakapagtala ng 2 nasawi sanhi ng pagkalunod at electrocution ang PRO Ilocos Region, 6 sa PRO Calabarzon, 2 sa Cordillera Administrative Region.
Habang 11 katao ang naitalang sugatan: 2 mula sa PRO CAR, 2 sa Calabarzon, 5 katao naman ang missing sa CAR at 1 sa Calabarzon.
Aniya, mahigit sa 3,300 PNP personnel ang nasa field para tumulong sa search and rescue operations, relief operations, clearing operations, at pagtulong sa evacuations.
Samantala, sinabi ni Laurence Mina, OCD deputy administrator for operations, hanggang 10:00 ng umaga nitong Lunes ay nasa 384,520 pamilya o 1,310,000 individuals ang apektado kungsaan 16,130 pamilya o 58,650 indibidwal ang nanatili sa 624 evacuation centers. Habang 11,360 families (39,290 individuals) ang nanunuluyang sa kanilang mga kamag-anak mula sa regions NCR 1, 2, CAR, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, at Region 9.
Nasa 367 kabahayan ang na-pinsala kungsaan 27 ang nawasak, habang 340 ang nasira mula sa Region 1, CAR 3 Calabarzon, Mimaropa at Region 6.
Umabot naman sa halagang P1.12 billion ang napinsala sa infrastructures, habang P3.53 million napisala sa agrikultura.
Sinabi ni Mina na patuloy ang isinagawang SAR operations or search and rescue operations ng pinagsanib na elemento ng AFP, PNP, BFP, at DPWH sa mga lugar na patuloy ang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan.(Mark Obleada/Koi Laura)