Advertisers
Ni Anne Venancio
All-in si Rocco Nacino sa bago niyang kontrabida role sa upcoming GMA action-drama series na “Hari ng Tondo.” Kaya naman kahit may mga oportunidad na dumating, pinili niyang unahin ang karakter na kanyang ginagampanan.
Ayon sa Kapuso actor, ang kanyang line-up haircut ay mahalagang bahagi ng kanyang role bilang lider ng isang sindikato na magiging malaking kalaban ng mga karakter nina Dennis Trillo at Ruru Madrid. Dahil dito, napilitan siyang tanggihan ang ilang proyekto, kabilang ang ilang international offers, dahil kailangan niyang panatilihin ang kanyang look.
Sa kabila nito, walang pagsisisi si Rocco. Aniya, sobrang nag-e-enjoy siya sa kanyang tinatawag na “kontrabida era.” Para sa kanya, mas exciting ang pagkakataong makapaglaro sa iba’t ibang karakter at lumabas sa kanyang comfort zone bilang aktor.
Bagama’t gusto pa rin niyang bumalik sa pagiging leading man balang araw, aminado siyang malaking challenge at fulfillment ang pagganap bilang kontrabida. Hindi rin siya nababahala kung mainis sa kanya ang mga manonood.
Para kay Rocco, kapag naiinis ang audience sa kanyang karakter, ibig sabihin ay epektibo niyang nagagampanan ang kanyang trabaho.
Bago mapanood sa “Hari ng Tondo,” mapapanood muna si Rocco sa pelikulang “Tirik,” isa sa mga official entries sa Cinemalaya International Film Festival, na ipalalabas mula Agosto 6 hanggang 18 sa piling sinehan.