Advertisers

Advertisers

Alex flinex ang third trimester ng kanyang pagbubuntis

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

Flinex ni Alex Gonzaga ang kanyang maternity photoshoot habang nasa third trimester siya ng pagbubuntis.

Ibinahagi niya sa Instagram ang eleganteng maternity photoshoot niya.

Nakasuot siya ng off-shoulder na itim na fitted jumpsuit, na kitang-kita ang baby bump.

Ginamit sa post ang kantang “August” ni Taylor Swift.

May kasama ring black-and-white photo nila ng asawa niyang si Mikee Morada, kung saan makikitang magiliw siyang humahawak kay Mikee habang hinahalikan siya nito sa noo.

Sa caption, “In my mommy era! ”

“Noong panahon ng pagiging nanay ko. Salamat, Hesus, sa pagpapahintulot Mong maranasan ko ang magandang regalo ng pagiging ina,” madamdaming isinulat niya sa caption.

Matatandaang ilang beses na nakunan si Alex bago siya nakabuo ng baby.

Mahalaga rin ang mensaheng sinulat ni Alex dahil binanggit niya ang pinagdaanan niyang pagkawala ng anak bago ang kasalukuyang pagbubuntis.

Masayang masaya ang misis ni Lipa Vice Mayor Mikee Morada sa kanyang kasalukuyang pagbubuntis bilang isang napakahalagang biyaya matapos ang isang masakit na karanasan sa nakaraan.

***

Stell at Sombr nagtagpo at nagkamay, ‘I’m a big fan of you guys!’

Very proud talaga ang mga. Pilipinong nasa ibang bansa nang masaksihan ng isa sa fan ng SB19 ang eksenang binati ng American young singer na si Sombr ang isa sa miyembro ng SB19 na si Stell Ajero.

Ibinahagi niya sa Threads ang video na kanya ng kuha at ipinost ito sa caption na “OMG for real? kita niyo to, PILIPINAS? nakakaproud, dba???”

Sa posted video ay makikitang nagkamay at nag-usap si Sombr at Stell.

Ani ng foreign singer, “I’m a big fan of you guys (SB19).

Nagkita sina Stell at Sombr sa Lollapalooza Chicago kung saan parehong performer ng naturang event ang SB19 at si Sombr.

Sa kanilang pagkikita, sinabi ni Sombr kay Stell ang “I’m a big fan of you guys,” na malinaw na tumutukoy sa SB19.

Si Sombr (stage name) ay si Shane Michael Boose, isang American singer, songwriter, at producer from New York City.

Komento ng mga nakasaksi sa pagkikita ng dalawang singer:

“eh yung si Sombr pa nagrequest ng papicture?”
“wow! international star at fan nila….Sobrang nakakaproud ”
“WAH SOMBR WITH SB19”
“Ang cute ng nervous energy nilang pareho very humble din, akala mo parang di mga halimaw sa stage!”
“Mr. Congeniality tlga ang ating iStell”
May nagkomento pang anak anakan daw ni Taylor Swift si Sombr.
“ansaya na they’re like one connection away lang. Like kaya ako naging fan ng SB19 kasi nakita ko sa isang video, kinakanta ni Pablo yung songs ni Taylor. ”
“Wow bat nakakaiyak, nakakaproud nmn this moment. ung idol mo inaidolize krin pla”
“Im super proud of where they are now. Seeing this is the result of their hardwork, perseverance and love of their craft, standing side by side with some of the great international artist from the music industry. So cute to see too that one actress is so over the moon to met them (im sure its the same feeling with Josh and Stell)”