Advertisers

Advertisers

Dimples Romana walang sama ng loob kung hindi imbitado sa kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

Natanong si Dimples Romana sa isang event tungkol sa hindi niya pagdalo sa civil wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co noong Hulyo 13, 2026.

Matatandaang walang imbitadong mga kaibigan o pamilya sa biglaang pagpapakasal nina Bea at Co sa opisina ni Makati City Mayor Nancy Binay.

Hindi naimbitahan si Dimples, kahit matagal na silang magkaibigan ni Bea, pero invited naman siya sa unang plano ng pagpapakasal ng dalawang personalidad sa Spain, yun nga lang hindi ito natuloy.

Ang pahayag ng aktres sa tanong,

“Sa tagal naming magkaibigan, hindi uso sa matagal na magkakaibigan ang tampu-tampo.”

Para kay Dimples, hindi niya itinuturing na dahilan ang hindi pagimbita sa kanya para masira o magkaroon ng tampuhan ang kanilang matagal nang pagkakaibigan.

Hindi rin siya nagbigay ng unsolicited marriage advice kay Bea.

Aniya, alam na ni Bea ang kanyang ginagawa, at makikialam lamang siya kung hihingi ng payo ang kanyang kaibigan.

Patuloy silang magkakaibigan sa kabila ng hindi niya pagkakaimbita sa intimate wedding.

Aniya pa, hindi siya offended at wala siyang sama ng loob sa kaibigan.