Advertisers

Advertisers

BARILAN NG MGA PULIS SA CAVITE: 2 PATAY, 1 GRABE

0 3

Advertisers

NASAWI ang isang pulis at isang sibilyan, habang sugatan ang isa pang pulis sa pamamaril sa parking lot ng isang resort sa Maragondon, Cavite.
Kinilala ang mga nasawi sa alias PMSg “Jun”, nakatala sa Magallanes MPS, Ca-vite PPO; at alias “Jay”; habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang sugatang si alias PCpl “Louie” na nakatalaga sa Ternate MPS.
Kinilala ang salarin na si Police Corporal Rolando Periodico, Jr., 35 anyos, nakatalaga sa Trece Martires Component City Police Station, na nasa kustodiya ngayon ng Maragondon Municipal Police Station.
Ayon sa Cavite Police Provincial Office, nangyari ang insidente 1:30 ng madaling-araw ng Miyerkules, Agosto 12.
Naghahandang umalis sa resort ang mga sangkot nang nauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang pag-uusap, na sinundan ng pamamaril.
Dalawang 9mm pistols ang narekober sa lugar, kabilang ang Glock 17 na naka-isyu sa salarin, at isang Pietro Beretta na naka-isyu sa isa sa mga sangkot na pulis. Isinailalim din sa forensic processing ang crime scene.
Patuloy ang imbestiga-syon ng mga otoridad sa krimen.
Samantala, sinibak sa puwesto ang hepe ng Maragondon Municipal Police Station at inilagay sa Personnel Holding and Accounting Section (PHAS) habang nagpa-patuloy ang imbestigasyon.
(Mark Obleada/Koi Laura)