Advertisers

Advertisers

MISTER NAPRANING NANG AYAW PABEMBANGIN NI MISIS, KULONG!

0 3

Advertisers

ARESTADO ang 54-anyos na mister matapos ireklamo ng kaniyang 52-anyos na misis dahil umano sa malaswang kilos at pamamahiya sa Barangay Tisa, Cebu City.
Batay sa ulat, nangyari ang insidente Agosto 10 habang nasa kanilang bahay ang mag-asawa kasama ang kanilang apo.
Ayon sa misis, ginising siya ng kaniyang asawa at pinilit na makipagtalik, ngunit tumanggi siya dahil nais pa niyang matulog.
Matapos ang pagtanggi ng misis, naghubad umano ang mister at nilaro ang ari niya sa harapan mismo ng misis.
Sa halip na manatili sa loob ng bahay, lumabas ang misis upang bumili ng pagkain sa isang tindahan. Sinundan siya ng kaniyang asawa at muli si-yang ginulo sa harap ng kanilang mga kapitbahay.
Ayon sa reklamo, hinila ng mister ang suot ng kaniyang misis hanggang sa halos mahubaran ito, dahilan upang humingi siya ng tulong sa mga barangay tanod.
Agad namang rumesponde ang mga tanod at dinala ang lalaki sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at proseso.
Nais ni misis magsampa ng reklamo laban sa mister dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9262, Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act.
Samantala, humingi ng tawad ang mister sa kaniyang misis, iginiit na nakainom lang siya nang mangyari ang insidente.
Kasalukuyan siyang nana-natili sa kustodiya ng mga awtoridad.