Advertisers

Advertisers

3 lider militante pinaaaresto ng korte

0 1

Advertisers

NAGLABAS ng warrant of arrest ang Metropolitan Trial Court Branch 28 laban sa tatlong lider ng militante na sangkot sa panggugulo noong Labor Day, Mayo 1.
Ayon kay Manila Police District (MPD) spokesperson Major Philip Inez, inilabas ni Hon. Bernadette A. Eugenio-Tumacder ang mga WOA noong Hulyo 30 laban kina James Edward Lopez Anajao alyas “Joseph Mallari/James Mallari/James Anajao” ng Sandigan ng Manggagawa ng QC; Ronald Mangampo Adonis, chairperson ng KMU; at Jacq Ruiz ng Kilusan ng Kababaihan.
Kinakaharap na kaso ng mga lider na ito ang paglabag sa Article 153 ng Revised Penal Code o “Tumults and Other Disturbances of Public Order”
Nagsimula ang reklamo matapos atakehin ng mga akusado ang isang pulis na nagbabantay lamang at gu-maganap sa kanyang tungkulin sa rally noong Labor Day.
Ayon kay Major Ines, may itinalaga nang team mula sa Warrant Section Unit ng MPD para magpatupad ng arrest warrant laban sa tatlo.
Samantala, patuloy parin ang pagdinig sa Metropolitan Trial Court Branch 6 para sa hiwalay na kasong paglabag sa Batas Pambansa 880, Illegal Assembly, laban sa iba pang lider kabilang sina Renato Reyes, presidente ng BA-YAN; Raymond Palatino, secretary general, BAYAN; Modesto “Mody” Floranda, presidente ng PISTON; at Ronald Jerome Adonis, chairman ng KMU.
(Jocelyn Domenden)