Advertisers
PAPARATING na ang inaabangan ng karamihan para desisyunan kung tama pa bang manilbihan ang ating mga opisyal ng barangay sa November 2, 2026.
Ngunit, heto na naman ang ating mga mambabatas na nagsusulong ng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda nang ganapin sa November 2, 2026 at sa halip November 2028 na ito idaos.
Ano ba ang motibo ng ating mga mambabatas sa pagpapaliban ng BSKE? Di ko na sasagutin muna yan, at di ko na rin babanggitin ang kanilang mga pangalang at baka gaya ko, kayo ay mainis na rin. Ilatag na lang natin ang epekto nito sa ating mga kalagayan at status ng ating mga barangay.
Una, salapi na agad ang ating pag-usapan, P19 billion ang nakalaang pondo diyan sa darating na BSKE. Bulto niyan ay pambayad sa mga guro at iba pang mga indibidwal na gaganap bilang mga election officers. Sabi ng Commission on Elections (COMELEC), tatlong bilyon (P3 Billion) na ang kanilang nakuha sa budget at nagasta na para sa preparasyon sa halalang iyan. Di biro ang pera na iyan.
Ang pangalawa, kahit tingin ko ay ito ang pinaka-importante at unang dahilan para di na mapaliban ang BSKE elections, diinan natin ang desisyong ng Korte Suprema na panindigan ang ipinag-uutos at sinasaad ng Republic Act 12232. Ito ang batas na nagtalaga na ang BSKE ng 2025 ay gaganapin sa November 2026, upang pagtibayin na ang termino ng bawat elected barangay officials ay dapat apat na taon lamang.
Kung may batas na pala na dapat ay sinusunod, ano pa ang ini-epal ng mga mambabatas na nais na naman ipostponed ito? May mabigat bang kadahilanan para ipagpaliban ito, o’ politika ang nasa likod ng kanilang sinusulong. Mga gugong pala itong ating mga mambabatas.
Ang kataas-taasang hukuman na ang nagsasabi na may batas ang BSKE na dapat sundin.
Ang BSKE pa naman, ang pag-asa nating lahat na palitan, o’ bigyan pang muli ng termino ang ating mga barangay officials. Ito ang pagkakataon na ibibigay natin ang ating mandato, dahil tayo namang lahat na Filipino ang mga boss ng mga ito. Mapa-Pangulo, Bide Presidente, Senador, Congressman, Mayor, Vice Mayor, Konsehal, Kapitan at mga Kagawadbng Barangay, TAYO ang boss ng mga iyan.
Karapatan natin, silang palitan kung sila ay di kapakipakinabang. Ang karapatan na iyan ay nakasaad sa Saligang Batas kabilang ang mga nakatakdang mga araw ng halalan, kung saan tayo ang magdedesisyon.