Advertisers

Advertisers

Quiboloy ‘di hahayaang mabitay sa US – DoJ

0 3

Advertisers

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila hahayaang mapatawan ng parusang ‘death penalty’ si KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy sakaling mahatulan ng ‘guilty’ sa mga kinakaharap niyang kaso sa Amerika.
Kasunod ito ng pagkumpirma ng DOJ na natanggap na nila ang pormal na request mula Estados Unidos para i-extradite si Quiboloy dahil sa sex trafficking, fraud at money laundering.
Ayon kay Chief State Counsel Dennis Chan, sisi-guruhin muna nila na hindi papatawan ng death penalty ang religious leader bago pahintulutan kung sakali ang extradition.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng DOJ ang request bago ihain sa korte kungsaan pagpapasyahan kung pahihintulutan o hindi na ipadala si Quiboloy sa Amerika.
Sinabi ni Chan na inaaral nila kung nakasusunod sa RP-US Extradition Treaty at sa Philippine Extradition Law ang hiling ng US.
Kabilang sa pangunahing tinitiyak ng DOJ, kung iisang tao lamang ang tinutukoy ng Estado Union sa kahilingan at ang taong nasa Pilipinas at kung kapareho ba sa Pilipinas ang mga ikinasong criminal act o kung hindi man ay maituturing pa ring extraditable offense.
Pero isa sa pinakamahalagang kondisyon, hindi dapat death penalty ang ipataw kay Quiboloy sa Estado Unidos kapag napatunayang nagkasala sa batas.
Kumpiyansa si Chan na hindi aabutin ng taon ang proseso sakaling maisulong ang petition for extradition laban kay Quiboloy at dalawang kasamahan.
Habang sakali namang aprubahan ng korte ang hiling, maaari parin aniya itong iapela.
Sa ngayon, patuloy ang review ng DOJ sa mga dokumento ng isinulat ng DFA mula sa U.S.(Jocelyn Domenden)