Advertisers
HUMIHINGI daw ng closed door meeting si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Gusto raw kasi ni Sara na ipatigil na ang Impeachment Trial, magre-resign nalang siya. Pero tatakbo sa 2028 presidential election.
Kapag winidro nga naman ang impeachment kaban kay VP Sara, maluwag siyang makakapaghanda para sa pagtakbo sa pagkapangulo sa darating na halalang nasyunal.
Kasi kapag nagpatuloy ang impeachment trial ay talagang mawawasak ang kanyang kridibilidad, at kapag na-impeach siya ay hindi na siya maaring tumakbo pa sa kahit anong posisyon sa eleksyon.
Hindi naman makukulong si Sara kapag na-impeach siya, mawawala lang ang karapatan niyang humawak pa ng kahit anong government position. Mismo!
Sabi naman ng House prosecutors, kahit mag-resign pa si Sara sa pagka-bise presidente ay itutuloy parin nila ang Impeachment Trial. Dahil ang takagang habol nila ay hindi lamang ang mapatalsik si Sara kundi ang panagutin ito sa kanyang mga pagkakasala sa batas at higit sa lahat sa mamamayang Pinoy. Araguy!
Sa aking pakiramdam, kaya nais ng kampo ni Sara na matigil nalang ang Impeachment Trial at mag-resign nalang ang Bise Presidente ay dahil ramdam ng defense team ang bigat ng mga ebidensiya laban kay Sara, kungsaan kapag nagpatuloy pa ang trial ay mabubunyag lahat sa publiko ang mga ginawang pandarambong ng pangalawang pangulo. Mismo!
Pero sabi nga noon pa ng lider ng House prosecutors na si Gerville Luistro, kahit mag-resign pa sa pagka-Bise Presidente si Sara, itutuloy parin nila ang trial. Period!
***
Kasama raw sa na-rescue ng NBI ang isang beauty queen noong 2016 sa entrapment operation kungsaan ilang Russian sex workers ang nalambat.
Tinanong ko sa Google kung sino ang 2016 Miss Earth. Foreigner din pala ang kanyang apelyido at mukha ring Russian. Hehehe…
Pero sabi, ang beauty queen raw mismo ang may hawak sa Russian girls. Ganun? Kung totoo ito, makakasuhan siya ng kasong walang piyansa. Mabubulok ang ganda niya sa kulungan. Sayang naman. Hehehe…
Sa hirap kasi ng buhay ngayon talagang papasukin mo ang mga trabahong madali at malaking pagkakakitaan tulad nga ng pagbubugaw.
Sabi, umaabot ng daang libong piso ang bayad sa isang Russian girl. Tama ba ako, pareng Puri?
Actually, matagal ko nang naririnig ang mga banyagang sex workers na ibinubugaw sa rich guys, kabilang na rito ang malilibog na politiko. Hehehe
Itanong natin kay paring Senador. Surely alam na alam niya kung sino ang kontak sa Russian girls na yan. Peks man!