Advertisers

Advertisers

Apo patay nang painumin ni lola ng gatas na may lason ng daga; lola uminom din

0 4

Advertisers

Nasawi ang 4-anyos na batang babae nang painumin ng gatas na may halong lason sa daga na naganap sa Purok 10, Barangay Poblacion Sur, Don Carlos, Bukidnon noong Huwebes ng gabi, Agosto 13.
Sa ulat, una umanong nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng lolo at lola ng bata.
Rumesponde ang mga awtoridad sa kanilang bahay kaugnay ng alitan, nguni’t umalis umano ang lolo matapos ang insidente.
Matapos ang ilang sandali, nagtimpla umano ng gatas ang lola na pinaniniwalaang hinaluan niya ng lason sa daga at ipinainom sa biktima. Ayon pa sa mga awtoridad, ininom din ng lola ang gatas na may lason.
Agad silang isinugod sa Bukidnon Provincial Hospital sa Maramag para agapan mula sa pagkalason.
Hindi naisalba ang maglola.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng may kaugnayan sa alitan ng pamilya ang nangyari, nguni’t hindi pa ito itinuturing na pinal na motibo habang kinukumpleto ang imbestigasyon.
Sinisikap ding matukoy ng mga imbestigador ang buong pangyayari at kung anong kaukulang kaso ang maaaring isampa batay sa resulta ng imbestiga-syon.
Napag-alaman na nasawi ang ina ng bata na si Kimberly Achas, sa isang insidente ng karahasan sa Don Carlos noong 2023.
Matapos ang pagkamatay ng kaniyang ina, inalagaan umano ang bata ng kaniyang mga lolo at lola.