Advertisers

Advertisers

Sen. Legarda pinalawig ang medical leave hanggang Aug. 19

0 3

Advertisers

IN-EXTEND ni Senador Loren Legarda ang kanyang medical leave hanggang Agosto 19, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug nitong Lunes.

Nakatanggap aniya ang Senate Secretariat ng liham mula sa tanggapan ni Legarda nitong Lunes ng umaga na nagsasabing mananatili muna sa leave ang senador.

Mula Agosto 3, hindi na dumadalo si Legarda sa mga sesyon ng Senado at sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Nauna siyang nag-file ng medical leave mula Agosto 3 hanggang 5, at nitong Agosto 11 hanggang 12.



Napaulat na umalis ng bansa si Legarda noong Agosto 2 at nagtungo sa France.

Samantala, kasabay ng kanyang pagliban ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman sa mga reklamong plunder at graft laban sa kanya at sa kanyang anak na si Batangas Representative Leandro Leviste.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">