Advertisers

Advertisers

2 HS STUDE, 2 SEKYU PATAY SA PAMAMARIL SA ISKUL!

0 5

Advertisers

NASAWI ang apat katao kabilang ang dalawang estudyante at dalawang security guard sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga High School Campus Martes ng umaga, Agosto 18.
Base sa initial report mula sa Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 9, natukoy ang biktima na si Patrick Dylan Wee, Grade 10 student, na natagpuang wala nang buhay sa ikaapat na pa-lapag; habang ang salarin ay kinilalang si Mohammad Mael Jalani, Grade 9, at top 1 sa klase, na nagbaril sa sarili sa ikalimang palapag matapos isagawa ang krimen.
Inaalam pa ang pagkaka-kilanlan ng dalawang guwar-dyang nasawi.
Lumalabas sa imbestiga-syon na isinagawa ni Jalani ang pamamaril 7:50 ng umaga ng walang malinaw na proboka-syon at nagpaputok ng baril sa mga estudyanteng nasa loob ng silid-aralan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tumungo si Jalani sa Room 404 at binaril ang isang estudyante, patay agad ito.
Ayon sa ulat, may suot na body camera ang salarin at nagka-livestream habang nagaganap ang insidente.
Base sa video, makikitang nakatayo sa labas ng classroom ang salarin na may hawak na baril.
Nang marinig ang serye ng mga putok, nagpulasan ang mga mag-aaral. Naulit pa ang katakot-takot na eksena ng pamamaril sa kasunod na classroom.
Tumakbo ang gunman pa-punta sa ikatlong palapag, sumigaw, at binaril ang sarili. Patay agad ito gamit ang 9mm Glock pistol.
Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Regional Forensic Unit 9 Scene of the Crime Operations (RFU9-SOCO) sa pakikipagtulungan ng Zamboanga City Police Station 6 (ZCPS 6).
Naglunsad narin ng parallel investigation ang kaukulang law enforcement agency kabilang ang CIDG Zamboanga City Field Office para matukoy ang background at profile ng sa-larin, kung paano naipasok sa loob ng campus ang baril, matukoy ang nagmamay-ari at legalidad ng mga baril, gayundin para matukoy ang mga biktima at kung may kapabayaan sa parte ng pamunuan ng eskwelahan.
Samantala, nagpahayag ng matinding kalungkutan ang Pangulo ng AdZU na si Fr. Guillrey Anthony Andal, SJ, sa malagim na insidente ng pa-mamaril sa unibersidad.(Mark Obleada)