Advertisers

Advertisers

Toni nag-throwback: tinanggihan ni Jose

0 3

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Not everything is a bed or roses para sa actress, singer at host na si Toni Gonzaga.

Katunayan, katakot-takot na hirap at rejections daw ang pinagdaanan niya noon bago pa siya naging ganap na artista.

Sa edad na 9 ay nag-aaudition na raw siya noon sa go sees at commercials.

Natatandaan pa raw niya noon na bago mapabilang sa isang noontime show ay ni-reject siya ni Jose Manalo sa casting nang ito pa ang tumatatayong talent coordinator.

Tough love raw naman ang naranasan niya sa kanyang tatay.

Maaga raw siyang iminulat noon sa disiplina ng ama para maging matatag sa mga pagsubok ng mundo.

Medyo nag-relax o nabawasan na lang daw ang kahigpitan ng ama sa kapatid na si Alex.

Gayunpaman, wala raw naman siyang naging regrets sa naging pagpapalaki sa kanya ng kanyang Daddy.

Feeling niya, naihanda siya ng ama para maging matibay sa mga kinakaharap na suliranin niya sa mundo.

Sa isang panayam, inamin din niyang pinakamatinding dagok daw niyang pinasan ay nangyari noong 2022.

Bagamat wala man siyang tinumbok, ito ay tumutukoy sa panahong na-bash siya dahil sa pagsuporta sa isang pulitiko.

Sa ngayon, natuto na raw i-filter ang noise sa kanyang kapaligiran.

Kapag daw may mga tumitira sa kanya, tahimik lang daw siya at hindi rumeresbak.

Nakaugalian na rin daw niya na magkulong sa closet kung saan nagdadasal siya.

Naniniwala raw kasi siyang lagi niyang karamay ang Diyos sa mga laban sa buhay kaya kailanman ay hindi siya nito pababayaan.