Advertisers
INAASAHAN ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ang isa na namang matagumpay na kampanya sa FIDE World Senior Chess Championships na gaganapin sa Vrnja?ka Banja, Serbia mula Nobyembre 2 hanggang 15.
Ang tubong Calapan, Mindoro ay naghatid ng limang medalya sa 24th ASEAN+ Age-Group Chess Championships, na nagtapos sa Singapore nitong Linggo.
Nanalo si Antonio ng tatlong ginto sa Standard Team, Blitz Individual, at Blitz Team (kasama sina GM Jayson Gonzales at International Master Angelo Young) at nakakuha ng dalawang pilak sa Standard Individual at Rapid Team (kasama sina Gonzales at National Master Edmundo Gatus).
“I am happy to bring home medals. It is a great honor to once again represent and fight for the Philippine flag,” wika ni Antonio sa panayam Martes.
Ang Singapore tournament ay bahagi ng preparasyon ni Antonio para sa mas malaking laban sa Serbia.
“I expect tougher opponents, so I really need to train harder. I hope that my campaign in Serbia would be successful, just like what I did in Singapore,”sambit ng 13-time Philippine Open champion.