Advertisers
Arestado sa mabilis na pagtugon sa tawag sa 911 ang 42-anyos na Amerikano na inakusahan ng acts of lasciviousness ng isang 18-anyos na babaeng biktima sa San Juan City.
Kinilala ni EPD& direc, P/BGen. Melecio Buslig Jr. ang suspek na si alyas “Andrew”, 42-anyos, mamamayan ng Amerika. Naganap ang pag-aresto matapos makipag-ugnayan ang kasintahan ng biktima sa 911, matapos ipadala ng biktima ang kanyang lokasyon habang hinihingi ang tulong mula sa loob ng isang tirahan sa Brgy. Sta. Lucia, San Juan City.
Ayon sa imbestigasyon, inimbita ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng WhatsApp at dinala sa isang tirahan sa San Juan. Doon umano ginawan siya ng kahalayan at hindi nararapat na hawak — sa loob ng sasakyan at sa loob ng bahay.
Agad na tumugon ang mga pulis mula sa Sub-Station 2 ng San Juan CPS, kasama ang Women and Children Protection Desk (WCPD), Barangay Security Force, at Women and Children Desk Officer ng Brgy. Sta. Lucia. Iniligtas ang biktima at dinala ang suspek sa kustodiya.
Isasampa laban sa kanya ang kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Artikulo 336 ng Revised Penal Code. (Edwin Moreno)