Advertisers

Advertisers

Denise Laurel nasira ang balat

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Kinuwento ni Denise Laurel ang naging karanasan niya sa paggamit ng skincare products na nagdulot umano ng matinding irritation sa kanyang sensitibo at dehydrated na balat.

Ayon sa aktres, nasira ang kanyang skin barrier matapos niyang subukan ang retinol noong pandemic. Nagkaroon umano siya ng pamumula, sugat at matinding irritation sa mukha.

“Nasira ang skin barrier ko,” ani Denise.

Dahil dito, mas naging maingat siya sa pagpili ng mga produktong ginagamit sa kanyang mukha. Iniiwasan niya ang ilang active ingredients tulad ng retinol, tretinoin, AHA, BHA at PHA, pati Vitamin C na maaari umanong magdulot ng irritation sa kanyang balat.

Paalala ni Denise, hindi kailangang gayahin ang lahat ng trending skincare routines dahil magkakaiba ang pangangailangan ng bawat balat.