Advertisers

Advertisers

Heart Evangelista karibal ang sarili sa bagong kontrata sa GMA-7

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Muling nag-renew ng kontrata si Heart Evangelista sa Sparkle GMA Artist Center noong Agosto 11, bilang pagpapatuloy ng kanyang halos tatlong dekadang karera sa showbiz.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, sinabi ni Heart na mahalaga sa kanya ang kanyang trabaho at handa siyang harapin ang mga bagong hamon sa industriya.

“I think my love for what I do. Hindi puwedeng puro victory lang ang aasahan mo sa ganitong klaseng industriya. But because I’m very consistent and I believe that I’ve become so much stronger,” ani Heart.

Sey ni Heart, hindi planado ang mga pagbabagong nangyari sa kanyang career. Sa halip, naging resulta ito ng kanyang mga naging karanasan.

Sinuportahan siya sa contract signing ng mga opisyal ng GMA at Sparkle, kabilang sina Atty. Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, Vic del Rosario at Gigi Lara.

Samantala, aktibo si Heart bilang artista, fashion personality at host ng “The People Have Spoken,” na napapanood tuwing Sabado, alas-6:15 ng gabi sa GMA at Kapuso Stream.

“Your only competition is yourself,” aniya pa.