Advertisers
Ni Anne Vennacio
Ipinagpaliban ni Bianca Umali ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo noong edad 18 o 19 upang matulungan ang pinsang si Sam na makapagtapos.
Sa panayam niya kay Kara David sa “i-Listen,” sinabi ni Bianca na nang maging sapat ang kanyang kinikita, sinuportahan niya ang pag-aaral ni Sam dahil hindi kayang pag-aralin silang dalawa nang sabay.
Para sa aktres, mas mahalagang mabigyan muna si Sam ng pagkakataong makatapos at makatulong sa dalawa nitong nakababatang kapatid.
Ngayon, graduate na si Sam ng Multimedia Arts sa Benilde at nakikipagtulungan na rin kay Bianca sa trabaho. Para sa aktres, malaking fulfillment ang makitang natupad ang kanyang layunin para sa pinsan.
Ngayong nakapagtapos na si Sam, plano naman ni Bianca na bumalik sa paaralan. Pinag-iisipan niyang kumuha ng Interior Design o mag-aral sa isang malaking unibersidad.
Bukod sa acting, aktibo rin si Bianca sa podcast na “Simply, B.” at magiging boses ni Ella Arcangel sa upcoming animated film na “Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.”