Advertisers
MAKAKAHARAP ng Filipino tennis ace na si Alex Eala ang isa sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa WTA Tour, si Iva Jovic, sa ‘Stars of the Open’ exhibition match sa US Open Biyernes ng umaga sa Maynila.
Ito na ang huling laban ni Eala bago ang singles main draw na nakatakda mula Agosto 30 hanggang Setyembre 13.
Hindi pa natalo ni Eala, na kasalukuyang ika-18 sa mundo, si Jovic na nasa ika-14 sa kanilang dalawang opisyal na laban.
Natalo si Eala sa Amerikano sa unang round ng French Open, 4-6, 2-6, noong Mayo at sa ikalawang round ng Queen’s Club, 2-6, 2-6, sa susunod na buwan.
Parehong seeded sina Eala at Jovic sa US Open at posibleng magharap sa third round, kung makakalampas sila sa kani-kanilang unang dalawang laban.