Advertisers

Advertisers

GRUPO NG 1,000 ‘GROOMERS’ NAGRE-RECRUIT NG MINORS NA GUMAWA NG KARAHASAN, AYON KAY MATIBAG

0 3

Advertisers

Ibinunyag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na isang online network na may 1,000 “groomers” ang nagre-recruit ng mga minors upang magsagawa ng mga karahasan.

Natukoy na umano ang online network na nagta-target ng mga bata at teenagers edad 12 hanggang 19 na kanilang nakokontak sa pamamagitan ng online video games at messaging group chats.

Ayon kay Matibag, gumagamit ang naturang grupo ng rules o “tenet” system kung saan ang mga miyembro ay napo-promote sa loob ng grupo kapag sila ay may nagawang karahasan.

Gayunman, ang main group chat ay bigla na umanong naging ‘inaccesible’ at na-shut down na.

Ang imbestigasyon ay bunsod ng August 18, 2026 shooting sa Ateneo de Zamboanga University kung saan nag-livestream pa ang 14-anyos na mag-aaral habang namamaril.

Inaalam ng NBI kung ang nasabing online group ay may kaugnayan sa insidente at iba pang school violence.

Ani Matibag, makikipagpulong sila sa mga kinatawan ng Meta sa Singapore upang talakayin kung paano na ang violent content at ang mga nasabing online groups ay kumakalat sa social media.

Samantala, nanawagan si Matibag sa mga magulang na bantayan ang mga online activities ng mga kabataan, alamin ang nilalaman ng mobile gadgets at pag-ingatan ang mga delikadong online communities. (JERRY S. TAN)