Advertisers

Advertisers

MARSTEK Philippines Isinulong ang Best Solar at Smart Energy Solutions

0 5

Advertisers

Mas pinalalim ng MARSTEK Philippines ang ugnayan nito sa global headquarters ng kumpanya matapos dalhin sa Shenzhen, China ang mga Philippine Founding Partners para sa isang international summit at production tour.

Pinangunahan nina Mary Cruz at Khelvin Cruz, founders ng MARSTEK Philippines, kasama ang ZK Summit Holdings Inc., ang delegation sa pagbisita sa headquarters ng global energy technology company. Bahagi ito ng MARSTEK Philippines Global Summit, kung saan nasaksihan mismo ng mga partners ang operasyon, advanced manufacturing facilities, research and development centers, at makabagong energy technologies ng kumpanya.

Higit pa sa isang factory tour ang naging layunin ng pagbisita. Nais ng MARSTEK Philippines na mabigyan ang kanilang partners ng mas malalim na pag-unawa sa global operations at technology ecosystem ng brand na kanilang kinakatawan sa Pilipinas.

Patuloy namang pinapalawak ng MARSTEK Philippines ang presensya nito sa bansa kasabay ng lumalaking interes sa mas episyente, sustainable, at maaasahang energy solutions. Kabilang sa mga isinusulong nito ang solar integration, battery storage, energy storage systems, at intelligent energy management para sa mga tahanan at negosyo.

Bilang bahagi ng layunin nitong maging isa sa mga nangungunang best solar at energy solution providers sa bansa, patuloy na ipinakikilala ng MARSTEK Philippines ang mga makabagong teknolohiyang maaaring makatulong sa mga Pilipino na mas mapababa at mas mahusay na mapamahalaan ang kanilang konsumo sa kuryente.

Isa rin sa mga naging mahalagang hakbang ng kumpanya ngayong taon ang pakikipagtulungan kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang official brand ambassador. Layunin nitong mas maipakilala sa mas maraming Pilipino ang intelligent energy solutions at mapalakas ang kamalayan tungkol sa clean energy.

Sa pamamagitan ng Shenzhen Global Summit, ipinakita ng MARSTEK Philippines na bahagi ito ng mas malawak na international network na nakatuon sa paghahatid ng makabagong energy technology sa Pilipinas.

Sa pamumuno nina Mary at Khelvin Cruz at sa suporta ng lumalaking network ng founding partners, patuloy na isinusulong ng MARSTEK Philippines ang pagsasanib ng global innovation at local leadership para sa mas sustainable, energy-efficient, at solar-powered na kinabukasan ng mga Pilipino.