Advertisers
Tiniyak Hinimok ni Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith Nieto na para lamang sa mga seryosong residente na magtrabaho na mag-apply sa programang TUPAD.
Ayon sa alkalde, naglaan ang DOLE ng pondo para sa 80 benepisyaryo sa bayan. Magtatrabaho ang mga ito sa loob ng 31 araw — pangunahin sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pag-alis ng bara sa mga kanal, at paglilinis ng mga tangke ng tubig. Makakatanggap sila ng ?600 bawat araw.
“Para ito sa mga gusto talagang magtrabaho… bawal ang petiks,” paalala ni Nieto.
Nagpasalamat din siya sa DOLE at kay Pangulong Marcos Jr., at tiniyak na maingat na gagamitin ang bawat piso ng pondo.
Ang paalala ay sumunod sa mga ulat na ilang benepisyaryo ng TUPAD ay nagpapakuha lamang ng litrato at video habang hindi talaga nagtatrabaho. Ayon sa PCO, dapat gampanan ng mga benepisyaryo ang kanilang tungkulin sa halip na gumawa ng mga pekeng video — dahil ang layunin ng programa ay magbigay ng trabaho at serbisyo sa komunidad.
Ang TUPAD ay programa ng DOLE na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga nawalan ng kabuhayan, kabilang ang paglilinis ng mga pampublikong pasilidad, kanal, at daluyan ng tubig. Ang sahod ay nakabase sa minimum wage sa lugar. (Edwin Moreno)