Advertisers

Advertisers

POC PREXY BAMBOL: PH BABAHAIN NG GINTO SA ASIAD

0 3

Advertisers

SOBRANG kumpiyansa ni Philippine Olympic Committee President ( Cong.) Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa pambatong atleta ng Team Philippines na sasabak sa Aichi- Nagoya 2026 Asian Games sa huling bahagi ng buwan ng Setyembre.

Ang napanalunang apat na ginto noong nakaraang Asiad ay itinuturing nang ulan ng biyaya na karangalan ng bansa ambag ng ating modernong bayani mula sa pakikibaka kontra pinamagagaling na atleta sa apat na sulok ng kontinente.

Sobrang inspirado kasi ang ating Japan- bound athletes na mistulang daluyong ang kanilang magiging dating sa Nagoya.

Pinatindi kasi ito ng aruga at malasakit ng POC leadershhip sa ating mga makabagong bayani na potensyal na magpapaulan pa hanggang bumaha ng medalya sa international events para sa Pilipinas na ngayon lang nangyayari sa timon ni Bambol.

Magmula nang hosting ng Pilipinas noong 2019 SEAGames,nagsimula ang lucky charm ni Cong. Bambol bilang overall champion.

At kahit katatapos ng krisis sa pandemic ay nasungkit ni Filipina lifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo at pinakatampok ay ang double gold medal haul ng Pinoy gymnast Carlos Yulo noong Paris Olympics at buhos pa sa mga sumunod na international events.

Dahil mahal ni Bambol ang Team Philippines ay nagtayo siya ng.mga sports venues sa balwarte niyang Tagaytay pati na rin pabahay.

Sinong sports leader ang makagagawa ng ganyang klaseng aruga sa ating national athletes?

Kung meron man..tiyak na ang anak ni Bambol na si Mayor ‘Brent’ Tolentino ang susunod sa yapak ni Cong. Bambol..SANA ALL,

GOLD PA MORE!!

***

GNIP CHANNEL MEDIA LAUNCH SA TARLAC

Unang natunghayan dito sa ating pahayagang Tonite PoliceFiles at GilasNews Online ang di na mapipigilang pagsilang ng pinagsanib na GilasNews- Indegenous Peoples’ Channel

Matapos ang matinding brainstorming sa pagtatag ng komprehensibong info channel pasimuno ang inyong kakorner na UPPERCUT- publisher/ Chief Editor katuwang sina United IP Luzviminda chairman Datu Dalampangan Enrique Rubio Gavileno, Datu Alex V.Pingol, Bae Divine Albina Licop,Bae Ybba at Ms.Mica Sumandayay naifinalize na ang formal launching na simbolikong gaganapin sa Bamban ,Tarlac sa balwarte ng pinuno ng IP’s doon na si Datu Oscar Rivera..Ilan tulog na lang ay mamamayagpag na ang bago at kakaibang info channel…

ABANGAN!