Advertisers

Advertisers

Presyo ng ticket sa laban ni Eala sa US Open dumoble

0 3

Advertisers

MGA 12 oras matapos ihayag ng US Open na naka-iskedyul ang opening match ni Alex Eala sa Martes ng gabi Setyembre 1 sa Louis Armstrong Stadium, dumoble ang pinakamurang tiket na available sa secondary-market (mga platform para sa resale ng tiket).

Ipinost ni TicketData founder Keith Slusser ang pagbabago sa X noong Linggo, na sinabing bago ang anunsyo noong Sabado (Linggo sa Maynila) ng iskedyul ng Filipino tennis star, ang presyo ng sesyon ay halos $200 lang at tumaas sa halos $400 pagkatapos ng reveal.

Mga P12,500 ito hanggang halos P25,000.

Makakatunggali ni Eala ang Amerikanang si Mary Stoiana sa sesyon Martes ng gabi (Miyerkules ng umaga sa Maynila) kasunod ng laban sa ATP nina Adolfo Vallejo at Gael Monfils sa Setyembre 1 ng alas-7 ng gabi sa New York (Setyembre 2 ng alas-7 ng umaga sa Maynila).

Malamang na ang laban ni Eala ay nasa paligid ng 8:30 a.m. hanggang 9:30 a.m. sa Miyerkules sa Maynila.

“Since it was announced today that her Round 1 match will be on Louis Armstrong, the session’s get-in price has doubled in about 12 hours, from under $200 to now approaching $400. No other session is even up 25% since matchups announced.”