Advertisers

Advertisers

Honorary degree ni PBBM sa PLM, idinepensa ng Malacañang

0 7

Advertisers

IGINIIT ng Malacañang na hindi dapat ikumpara sa tradisyonal na academic degree ang honorary degree o honoris causa na iginawad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ang honoris causa ay isang pagkilala o parangal sa isang taong may mahalagang ambag sa komunidad o bansa.

Sinabi ni Castro na hindi ito nakukuha sa pamamagitan ng tradisyonal na pag-aaral, kabilang ang pagtatapos ng kurso, pag-aaral sa law school o pagpasa sa Bar examinations.



Kabilang aniya sa mga dapat kilalanin sa liderato ni Marcos ang kanyang pagtindig sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kabilang ang pagpapaputol sa floating barrier na inilagay ng China Coast Guard sa Scarborough Shoal noong 2023.

Binanggit din ni Castro ang mga hakbang ng Pangulo sa pagtugon sa mga isyu ng korapsyon, seguridad sa suplay ng langis at fertilizer, gayundin ang pagtulong sa mga overseas Filipino workers na nahaharap sa mga kaso sa ibang bansa.



Dahil dito, sinabi ni Castro na ang mga batikos sa paggawad ng honoris causa sa Pangulo ay nagpapakita ng hindi pagkakaunawa ng mga kritiko sa tunay na kahulugan ng honorary degree. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">