Advertisers

Advertisers

GALIT SA MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL

0 7

Advertisers

BAGONG balita: Nagbaba ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang pigilan ang isang senador na galawin ang mga assets na naugnay sa mga kontrata ng gobyerno sa mga proyekto na umabot sa halagang bilyon-bilyon piso. Batay ang freeze order sa ibinabang utos ng isang hukuman kontra sa senador. Hindi kinilala kung sino ang senador ngunit may higing na si Bong Revilla umano ito.

***

HINDI makakaila ang matinding galit ng mga mamamayan sa mga lugar na labis na binaha ng nakaraang ulan na dala ng hanging habagat at mga bagyo. Sa mga panayam ng mass media, kulang na lang murahin ng mga mamamayan ang mga pulitikong hinihinala na sangkot sa iskandalo sa floor control.

Bakas sa mga mukha ang matinding galit sa mga pulitiko sangkot sa flood control scandal lalo na ang mga mamamayan ng mga bayan na Macabebe, San Simon, Masantol, at iba pa at mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, at Paombong sa Bulacan.

Hindi biro ang sakripisyo ng sambayanan sa masamang epekto ng baha, landslide, at iba pang sakuna na dulot ng matinding ulan. Hindi naalis na magmura at magalit ang mga mamamayan dahil sa kakulangan ng sapat na paghahanda upang harapin ang bagyo at ulan.

Dahil sa korapsyon, o ninakaw ng mga pulitiko ang budget para sa proyektong na pigilan ang baha. Pawang nawala o naging substandard ang mga flood wall, dike, at pump system na inilatag upang maiwasan ang masamang epekto ng baha at landslide.

Matandain ang mga mamamayan. Hindi nila nalilimutan ang mga mambabatas na dumambong sa pondo na dapat mapunta sa mga floodwater project tulad ni Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Tricky Tsis, Bong Revilla, Alan Bitter Cawatano, Zaldy Co, at iba. Kilala nila ang ilang opisyal ng DPWH at mga tiwaling kontratista na sama-samang nagsabwatan upang nakawin ang pondo.

***

HINDI lang baha sa mga ilang bayan ng Bulacan at Pampanga ang suliranin. Lubhang apektado ang mga motorista sa NLEX dahil sa matinding baha sa San Simon, Pampanga. Inabot ng baha ng San Simon ang bahagi ng NLEX na nasa Pampanga. Inabot ng siyam siyam ang usad pagod sa NLEX. Marami ang stranded dahil hindi makaraan sa binahang bahagi ng NLEX.

Ang nakakagulat: hindi tumutulong ang pamunuan ng NLEX sa mga stranded na motorista. Hindi nagbigay ng pagkain, tubig, o lung medikal. “pinag-uusapan pa ng mga opisyal namin kung ano ang gagawin,” ayon sa isang nakapanayam ng opisyal ng NLEX. Hiniling a rin ng ilang motorista na suspendihin ng NLEX ang paniningil ng toll fee sa paggamit ng NLEX.

***

BATAY sa mga pahayag ng dalawang opisyal ng Philippine Army sa Senate Impeachment Court (SIC), nahikayat ni Misfit Sara ang AFP upang magbigay na certification sa tagumpay umano ng mga youth leadership seminar. Ngunit ginamit umano ang mga certification ng inisyu ng AFP upang isailalim sa proseso ng liquidation ang P15.4 confidential fund na ibinigay sa Department of Education.

Isinumite ng Deped na pinamunuan ni Misfit Sara bilang kalihim. Isinumite sa Commission on Audit (CoA) ang certification bilang patunay na ginamit na maayos ang P15.4 milyon na confidential fund. Ngunit hindi napunta sa AFP o seminar ang confidential fund. Pinaniniwalaan na ibinulsa ito ni Misfit Sara.

Ayon kay dating Kin Robert Ace Barbers na nagsisilbi bilang special adviser sa Prosecution Panel, niloko ni Misfit Sara ang AFP upang makuha ang P15.4 milyon na confidential fund. Kitang-kita ang pagkakaiba ng AFP certifications at ang takdang paggamit ng pondo.

Pinatotohanan ni Army Col. Manaros Boransing II at Col. Magtanggol Panopio na ginamit ni Misfit ang mga certification sa liquidation ng P15.4 milyon, ngunit walang natanggap ang AFP sa natanggap ng Deped. Humarap ang dalawa sa pagpapatuloy ng pagdinig ng SIC noong Martes. Sumagot ang dalawa sa pagtataong ng private prosecutor Reynaldo Robles.

“The AFP was duped. Its certifications were obtained, but the officers who issued them did not even know that their documents would later be used to support the liquidation of P15 million in confidential funds,” ani Barber.

“You cannot use an AFP certification to prove that money was spent when the AFP did not receive the money, did not spend the money, and did not know its certification would be used as proof of the expenditure,” ani Barbers.

“If the AFP itself says it did not fund these activities and did not know why its certifications were being secured, then what exactly were those certifications supposed to clear?” ani Barbers. “The documents may carry official seals and signatures, but those signatures do not magically turn an unsupported expenditure into a legitimate one,” aniya.

***

KAYA pala hindi nagsalita si Camoteng Robin Padilla sa pagdinig ng SIC noong Martes ay dahil lumiban siya sa impeachment hearing. Stranded siya sa San Simon. Kahit si Lito Lapid ay hindi nakarating sa sesyon ng SIC. Stranded rin siya sa Pampanga.