Advertisers
LARONG MAY PUSO! Ito ang imahe ng GILAS PILIPINAS games sa followers at supporters na muling ipinakita ng team sa matagumpay na kampanya sa 2027 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers, 4th Window na idinaos sa Mall of Asia Arena, August 28th, Friday at 30th, Sunday.
Sulit ang thrill at tiyaga sa pagsubaybay sa 2 games na nagtapos sa 2-0 victory, sa score na 82-81 versus Jordan at 68-56 versus Iran. Imagine, after 11 years nang huling talunin sila ng PHI year 2015, muling nasungkit ang panalo.
Overwhelming din ang feeling sa first game versus Jordan na mas malalaki at madiskarte rin ang players. Mula sa tambak na score sa 1st quarter at ilang beses na deadlock sa next quarters, buo ang loob at teamwork ng GILAS na naipanalo ng awesome block ni KAI SOTTO, on top of team contributions led by CJ PEREZ, KEVIN QUIAMBAO, AJ EDU & SCOTTIE THOMPSON, Umabot pa sa overtime pero wagi pa rin ng importante, crucial 1 point sa angas ng laban, 82-81. Ang sarap panoorin na suportado ng jam-packed venue ng Pinoy fans and followers..
Meanwhile, equally strong at magaganda rin ang height ng IRAN team pero mukhang organized ang diskarte ng GILAS na mas nasubaybayan ang lamang hanggang 4th quarter,, nagtapos sa 68-56. Ayun! Iba ang inspirasyon ng GILAS boys na alay nila kay JUNMAR FAJARDO ang laro sa official retirement from 13 years sa national team, since FIBA 2014. SALUDO rin po.kami!
JUNEMAR, READY NA SA
BASKETBALL FINAL VOW
CHOICE pala o preference ni 8x Most Valuable Player (MVP) JUNEMAR ‘ABAI’,’The KRAKEN’ FAJARDO na sa tahimik at maaliwalas na paligid ng bukid mamuhay pag nagretiro sa basketball. Naglalaro pa ito sa top pro league Philippine Basketball Association (PBA) SAN MIGUEL BEERMEN.(SMB) ni Big Boss RAMON S. ANG.
Normal na nagreretiro ang jersey ng cager at age 40 sa pro league kaya at age 36 ngayon ni ABAI, kampante na siya sa narating ng karera. ‘Nagpapasalamat ako kay GOD na binigyan ako ng height para magamit dito!” Sa taas na 6’10” at magandang built, tower ang datingan ni ABAI., close to KAIJU 7’3″. (Sa true lang po, sa height na 5’6″ng yours truly, limiliit sa pakiramdam pag kasalubong o nakatabi si ABAI sa event.)
Well. sa marami rin namang towering heights ng Pinoy cagers, bakit si JMF lang ang nakasubi ng 8 MVP Awards? Magagaling sila pare-pareho, pero sa tingin namin, may lamang si ABAI sa award-giving group. Di ko na po babanggitin pero, obvious na shining din ang karakter at disiplina ng Isang JMF na sobrang humble kahit magaling. Pansin nyo po ba, walang intriga ang giant cager? Kung well-behaved, kind and disciplined man ang ibang MVP’s, hitsurang mas kuha ni ABAI ang puso ng judging panel.Yun lang!
SPECIAL CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to JAMES UY TY III, former fellow Sports scribe now based in US. to NILO TALA of San Isidro, Pampanga, ditto, HBD to EMMY STRONG, BRUCE LEE STRONG and Mom LUCY STRONG of Olongapo City. MBTC and Best blessings! HAPPY READING!