Advertisers
Binigyang pugay ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at ng kanyang kapwa Minority Bloc senators nitong Miyerkules ang mga ordinaryong Pilipino na nagsisilbing inspirasyon dahil sa kanilang malasakit, sakripisyo, at paglilingkod sa kapwa.
Sa National Heroes’ Day event na inorganisa ng Senate minority, nakiisa si Cayetano sa pagkilala sa 20 makabagong bayani mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga security guard, reservist, volunteer, missionary, healthcare worker, transport at delivery worker, at guro. “It’s not about credit but about giving inspiration na sa hirap ng buhay at sa pagka-toxic ng politika, mayroon pa rin talagang mga taong willing to go beyond,” wika niya.

