Advertisers

Advertisers

GEN. CARDIÑO, GAWING HUWARAN NI GEN. BACCAY!

0 3,285

Advertisers

DAPAT pamarisan ng lahat na mga field commander ni PNP Chief Gen. Jose Nartatez Jr. si Negros Island Acting PNP Regional Office Dir. BGen. Romano Cardiño sa kanyang mahigpit na pagpapatupad ng “One-Strike Policy” upang masugpo ang operasyon ng ilegal na sugal na pinaniniwalaang front din ng bentahan ng droga.

Acting PNP Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay at Negros Island Acting PNP Regional Office Dir. BGen. Romano Cardiño

Matapos na makumpirma ilang araw pa lamang ang nakaraan na talamak ang operasyon ng illegal number games sa mga siyudad ng Bayawan at Guihulngan at mga bayan ng Ayungon, Taysan, Sibulan at Pamplona sa Negros Island ay karakang sinipa ni Gen. Cardiño sa kani-kanilang mga puwesto ang mga hepe ng naturang lugal.

Tinanggal din ni Gen. Cardiño sa pwesto ang PNP Provincial Director ng Negros Oriental Police Office sa paglabag sa doktrina ng Command Responsibility.

Ang liderato ni Gen. Cardiño ang hinahanap ng mga mamamayan sa CALABARZON na itinuturing na hot bed ng illegal vices.

Kung itinatago ng karamihan sa mga police chief sa CALABARZON ay dapat alamin ni Acting PNP Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay ang nakakahiyang sitwasyon sa kanyang hurisdiksyon, lalo na sa lalawigan ni Rizal Gov. Nina Ricci Ynares.

Talamak sa buong lalawigan ang loteng operation ni alyas Bong Sola, lalo na sa Antipolo City at matataong munisipalidad ng Cainta, Rodriguez, Montalban, Angono, Taytay, Tanay at San Mateo, ngunit walang aksyon laban dito si Rizal Acting Provincial Dir. Col. Eleazar Barber Jr. at kanyang mga police chief.

Sa bayan ni Tanay Mayor Rex Manuel Tanjuatco ay nag-ooperate naman ang mini carnival ng isang alyas Rambo na maging sa kalapit na barangay hall ng Sampaloc na di kalayuan sa Tanay Police Substation ay 24/7 ang pasugal na color games, drop ball at iba pang uri ng card at table games.

SHABU SA SAKLAAN AT PERGALAN SA BATANGAS!

Pinuna ng grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na wala pa ring positibong hakbang sina Gen. Baccay at Batangas Acting PNP Provincial Dir. Col OLiver Ebora laban sa garapal na operasyon ng peryahan/sugalan na may shabuhan, sakla at iba pang ilegal na bisyo sa Batangas.

Kabilang dito ang puesto pijo na pergalan ni alyas Larry sa tabi ng CP Reyes Satellite Clinic sa Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Artemio Abu; alyas Tomboy, Onad at Allan sa siyudad ni Calaca Mayor Nas Ona; Tomboy, Allan at Maricel sa Darasa, Tanauan City; Tomboy, Onad at Egay sa San Rafael; Tomboy at Joseph sa San Agustin; Ashley sa Sta. Clara, pawang sa siyudad ni Sto. Tomas Mayor Arth Marasigan; Charlie sa San Lucas, Lipa City; Marinteh sa Apacible Street, sa bayan ni San Nicolas Mayor Lester De Sagun; alyas Tina sa bayan ni Bauan Mayor Wendah Dolor; alyas Mundo at Arnel sa Lemery at mga color games at pimpong ni alyas Nanay Amie sa bayan ng Padre Garcia at bayan ni Rosario Mayor Leovy Morpe.

May mga pergalan din sa bayan ni Rosario Mayor Leovy Morpe at San Juan na di kinakante ng mga police chief nina Gen. Baccay at Col. Ebora.

Lantaran naman ang sakla sa mga bayan ng Lemery, Padre Garcia, Nasugbu, Rosario, Mataas na Kahoy, Alitagtag, Taysan, San Juan at Tuy. Lalong garapal ang operasyon ng sakla sa mga siyudad ng Lipa, Tanauan at Sto. Tomas kung saan namamayagpag ang operasyon ni alyas Magsino at ng kasosyo nitong ilang police scalawag. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144