Advertisers

Advertisers

Mga abogado ng prosekusyon at depensa nagsabong sa Day 21 ng impeachment trial ni VP Sara

0 10

Advertisers

NAGKAROON ng mainit na sagutan o pagtatalo ang mga abogado ng prosecution team at defense team sa ika-21 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Miyer-kules, Setyembre 2.

Iniharap ng prosecution panel bilang hostile witness si Atty. Michael Poa na tagapagsalita naman ng depensa para hingan ito ng testimonya ukol sa naging papel at nalalaman nito sa confidential funds ng Department of Education (DepEd) noong kalihim si Duterte ng kagawaran.

Panay ang objection o pagharang ni Atty. Shiela Sison sa mga leading question ni Atty. Benjamin Tolosa kay Poa at iginiit na ito ay unnecessary, argumentative, irrelevant at vague.



Dahil dito, inihayag ni Senate Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero na mahirap na nga na may dalawang abogado na nagtatagisan ng talino at lalo na pag tatlo sila kaya naman nakiusap si Escudero ng pang-unawa at pasensya mula sa dalawang panig.

Sa paglilitis ay inamin ni Poa na siya ang nag-reply o tumugon sa Audit Observation Memorandum (AOM) ng Commission on Audit (COA) noong February 1, 2024 na saklaw ang liquidation reports ng DepEd para sa first at second quarter ng 2023.



Gayunman, sa kabila nito ay aminado rin si Poa na wala siyang personal knowledge o nalalaman kung papaano ginamit o ginastos ang confidential funds.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">