Advertisers

Advertisers

9 kinasuhan sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes

0 2

Advertisers

NAGSAMPA na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong ‘reckless imprudence resulting in homicide’ laban sa siyam na indibidwal kaugnay ng pagkamatay ng Ateneo de Manila University student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, ayon sa Department of Justice.
Sinabi ni Justice Undersecretary Ian Dato na nagsimula na ang preliminary investigation sa reklamo, at isinagawa ang unang pagdinig Agosto 31.
Inaasahang magsusumite ng counter-affidavits ang mga respondent sa Setyembre 15.
Kabilang sa mga respondent sina Thomas Anthony Baldwin, Grant Dearns, Dean Caesar Castaño, Sandro Nicholas Soriano Romero, Reynaldo Jacinto Jr., John Eric Rueca, Ceasar Vincent Elumba, Emmanuel Toribio Fernandez at Vincent Raphael Mangulabnan.
Hiwalay pa rito ang reklamong may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act No. 11053 (Anti-Hazing Act), na nananatili pa sa case build-up stage, ayon sa DOJ.
Namatay sina Baterbonia at Adili nang malunod habang nasa team-building activity ng Ateneo men’s basketball team sa Dipaculao, Aurora, Hunyo 8. Nauna nang nagsagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon ang NBI at PNP-Criminal Investigation and Detection Group kaugnay ng insidente.
Sa ngayon, reklamo pa lamang ang isinampa at nakasalalay sa preliminary investigation kung may sapat na basehan para magsampa ng kaso sa korte laban sa mga respondent.