Advertisers

Advertisers

P1.15-MILYONG SHABU, NASAMSAM SA PASIG; ISA ANG ARESTADO!

0 3

Advertisers

Isang suspek ang nahuli at mahigit P1.15 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang operasyon ng Pasig City Police sa Barangay Manggahan, Pasig City.

Sa ulat ni P/Col. Hendrix B. Mangaldan, Chief of Police, kay EPD-director BGen. Melencio Buslig Jr., dakong ika-7:20 Setyembre 5, isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng Kaayusan Street, sa lungsod.

Nahuli ang suspek na kinilala bilang “Jondrex,” 32 anyos, mekaniko sa lugar habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat.

Nakuha mula sa suspek ang walong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 170 gramo — nagkakahalaga ng humigit-kumulang P1,156,000.00 — kasama ang isang itim na Nike belt bag at dalawang pirasong tunay na P100 na perang papel.

Dinala ang suspek at mga ebidensya sa istasyon para sa pagsasampa ng kaso at isinumite sa EPD Forensic Unit sa Mandaluyong para sa pagsusuri.

Pinuri naman ng opisyal ang mga tauhan sa pagkakaaresto sa suspek na umano’y salot sa ipinagbabawal na droga.

Patuloy ang kampanya ng Pasig PNP laban sa ilegal na droga at krimen, alang-alang sa ligtas na pamayanan. (Edwin Moreno)