Advertisers
HANDA nang umusok ang mga komprehensibong talakayan ng mga batikang alagad ng pamamahayag sa tri- media, social media at mga imbitadong pinuno ng bansa, sports leaders, celebrities at mga kampeong nakapag- ambag na ng karangalan sa Pilipinas.
Nakatakdang ilunsad ang bagong tatag na KAP’EHAN SA TSAMP(Tabloid b Sportswriters Association& Media Practitioners) ngayon buwan ng Setyembre sa Pacman Cue Club. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Ayon Kay TSAMP founding president Danny Simon, ang prestihiyosong samahan ng mga lehitimong sportswriters pati na taga – broadcast at socmed ay suportado ni public servant / sportsman/ international billiards and snooker multi medalist Kap. Marlon’Marvelous Manalo na aniya’y isang napakalaking kaganapan ang makadaupang palad ang mga mamamahayag at makatalakayan sa makabuluhang palitan ng kuro- kuro tungkol sa sports, pulitika, kabuhayan, kultura, sining, showbiz atbp.
Tiniyak din ni Manalo ang pagsuporta ng Filipino boxing icon 8- division world champion at hall of famer Manny Pacquiao sa kape hang idaraos minsan isang buwan sa Pacman Cue Club Event Hall.
Ang naturang TSAMP session ay nabuo at magiging ganap nang talakayan sa pinagsamang pagsisikap nina Danny Simon( President), Noli Cruz( VP Internal), Jeff Venancio( VP External), Enjel Manato( Secretary General), Avelina Paller( Treasurer),Fred Nasiad( Auditor), Board Directors Albert Andaya, Marlon Bernardino, Jean Malanum at Ethel Genuino.
Advisers sina Champ Manny Pacquiao, Marlon Manalo, Hadley Mariano, Atty. Ariel Inton, Wopsy ‘Amigo Zamora at Gov. Chavit Singson.
LOWCUT: Mission accomplished ang idinaos na bagong platform para sa mga indigenous people sa bansa na GNIP Channel na pormal nang nailunsad sa balwarte ng mga katutubo sa Bgy. Sto Nino, Bamban, Tarlac sa paanan ng Mt. Pinatubo nitong weekend.
Congrats Gilas team nina Chairman Datu Delampangan Enrique. Rubio Gavelino, Secgen Datu Alex Pingol, Treasurer Bay Divine Albina Licop, ang inyong Patnugot Mr.& Mrs Simon, secretary Mica Sumanday and kudos to Christopher Licop at sa IP couple mula Bacolod City.
Salamuch kay event host Datu Mammun Oscar Rivera at sa lahat ng IP na sumaksi sa naturang media launching. PUGAY!