Advertisers

Advertisers

ILALANTAD TAGONG YAMAN NI MISFIT SARA

0 7

Advertisers

KINASASABIKAN ang yugto kung saan hahalukayin ng Senate Impeachment Court (SIC) ang pinagkakaingatan na tagong yaman ng mag-asawang Misfit Sara at Mans Carpio. Uumpisahan sa Lunes na ihaharap sa SIC ang mga testigo at mga dokumento kaugnay sa tagong yaman ng mag-asawa, ayon kay Akbayan Party List Kin. Chel Diokno, isa sa mga taga-usig sa impeachment trial ni Misfit Sara.

Sa Miyerkoles at Huwebes, mamarkahan ang mahigit sa 1,800 dokumento sa pagdinig sa hindi maipaliwanag na tagong yaman ni Misfit at Man. Kasama ang mga bank at insurance record na hiningi ng SIC sa ilalim ng mga subpoena na inilabas kamakailan. Walang pagdinig ang SIC sa Miyerkoles at itutuloy ito sa Lunes (Sept. 14) upang talakayin ang kanilang tagong yaman na hinihinalang abot sa ilang bilyong piso.

“There are over 1,800 exhibits, documents that were submitted under the subpoenas released by this court,” ani Diokno. “I am referring, Your Honor, to the bank records and other insurance records,” aniya. Dahil sa dami ng mga dokumentong mamarkahan, humingi ang prosekusyon ng dagdag na araw sa pagmamarka.

“We are requesting that we set aside the whole day of tomorrow [Wednesday], perhaps even Thursday and Friday, for the marking of these voluminous documents,” aniya. Pumayag ang SIC at itinakda ang Miyerkoles at Huwebes sa pagmamarka. Gagamitin ang Biyernes sa hearing sa panukalang pambansang budget na P7.3 trilyon sa Biyernes.

Kabilang sa Article 2 ng Articles of Impeachment ang hindi naipaliwanag na tagong yaman ng mag-asawa. Sinusubaybayan ang isyu ito dahil malalaman kung totoo ang paratang na kumita ang mag-asawa sa confidential fund at kalakalan ng ilegal na droga na ibinintang ng kanilang kritiko. Kasama si dating Senador Sonny Trillanes na nagbintang sa kanila na tumanggap sila na suhol mula sa mga kilalang druglord sa Davao City.

***

HIHINGIN ng prosekusyon sa SIC na maglabas ng subpoena upang paharapin si Misfit Sara sa pagdinig ng SIC. Labis na kinatatakutan ito ng depensa dahil kahi sila mismo ay walang tiwala kay Misfit. Batid nila na hindi normal si Misfit. Labis na salat si Misfit sa tiwala sa sarili at hindi nakakapagtaka na kung ano na lang ang sabihin sa SIC.

Hindi totoo ang sinabi ni Sheila Sison, ang pangunahing manananggol ng kampo ni Misfit Sara, na labag sa Saligang Batas kung himukin na humarap si Misfit sa SIC upang hingan ng paliwanag tungkol sa mga paratang sa kanya.

Ayon kay Jay Tolosa, isa sa mga pribadong manananggol ng prosekusyon, maaaring tumanggi ang kahit sinong mamamayan na tumestigo laban sa sarili ngunit hindi nangangahulugan na hindi na haharap si Misfit sa SIC.

Ipinaliwanag ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas na may karapatan ang sambayanang Filipino na marinig ang panig ni Misfit sa mga bintang sa kanya. Si Luistro ang punong tagausig at pinamumunuan niya ang pangkat ng 11 mambabatas na bumubuo sa prosekusyon.

“The Filipino people, Your Honor, have the right to hear the answer of the respondent vice president to all these four allegations under the articles of impeachment,” aniya. “The position of the prosecution about calling the respondent vice president as witness for the four articles of impeachment at the end of the presentation of all these articles is in line with the mandate of transparency and accountability, Your Honor, which is enshrined in our Constitution,” aniya.

“It is important that the impeachment court, including the viewing public, witness how the respondent vice president answered to all these allegations because this is the spirit behind the provision of the Constitution on transparency and accountability, Your Honor,” ani Luistro.

Sa ganang amin, ito ang tagpong labis na kinatatakutan ni Misfit Sara. Hindi siya marunong magpaliwanag. Bagaman nagtapos ng abogasya, hindi natuto si Misfit na humarap sa anumang forum lalo na kung husgado. Wala siyang maituturing na law practice.

***

LABIS na nagtataka ang prosekusyon kung bakit takot na takot si Misfit Sara sa humarap sa hukuman, partikular na ang husgado na naglabas ng arrest warrant laban sa kanyan noong Biyernes. Ayon kay Bukidnon Kin. Jonathan Keith Flores, isa sa mga tagausig, nagtataka siya na kabahan sa husgado gayong palagi siyang nasa labas ng bansa at hindi natakot kahit kailan.

“We’ve seen the Vice President all over the Philippines, and she’s been going to places. Safe naman siya doon, in all these places, kahit na maliliit na places, abroad, she always felt safe,” ani Flores. “Parang ironic lang na when she goes to the court, or to the QCRTC, that’s where she felt very unsafe,” aniya.

Hindi totoo na nahaharap si Misfit sa kapahamakan, ani Deputy Speaker Francisco Paolo Ortega V ng La Union dahil naging kaugalian ng mga institusyon ng gobyerno na ibigay ang paggalang sa kanya. “She’s been here, she’s been in the House. She’s been afforded all of the courtesy, respect, saka kumbaga na-extend naman lahat ng puwedeng i-extend sa kanya,” ani Ortega.

“Again, in totality, I think she’s just being a Karen,” aniya. Ginagamit ang salitang karen sa mga babaing maraming reklamo, aniya.

“What’s very concerning iyong statements niya that she can’t trust the courts anymore, considering the topic of the impeachment proceedings, which is iyong violation of the Constitution,” ani Tolosa.

“She is the second-highest official of the land. So statements like that coming from her are very concerning. It might erode the people’s trust in our institutions, important institutions such as the judiciary,” dagdag niya. “Sana ho, mga statements like this will not be made lightly,” aniya.