Advertisers

Advertisers

IWAKSI KULTURA NG KARAHASAN

0 4

Advertisers

Sa mundong sakdal bagsik, may kahirapan ang makatagpo taong may pagkalinga sa kapwa higit sa kagalingan ng nakakarami ‘di bale ang sarili. Madalan sa patak ng ulan ang taong tumitingin sa kagalingan ng kapwa higit ng bayan na hindi naghihintay ng kapalit. Mailap sa bayan ang pagkakataon na makasumpong ng tapat na lingkod bayan na ‘di lilihis ang layon para sa sariling kapakanan. Marami ang mapagkunwaring para sa bayan subalit sa pagtuntong sa tanggapang asam, ang makalimot ay agad na nariyan at wala na ang kagalingan ng bayan dahil ito’y pantasya at ‘di katotohanan. Sa pag-upo sa gintong pwesto, ang bumawi sa gastusin ang unang gawa ng ‘di maubos ang pantustos sa gawang sala sa kinabukasan. Sa totoo lang, walang puwang ang pamumuno sa prinsesang naka-upo sa tasa at takot masingil ng panatikong bulag sa kagalingan.

Sa nasilip sa social media, napansin ang sulat o’ tugon ng abalang pangulo sa isang social media personality na tawagin nating Bambi. Sa banggit na tala, silip ang pagkairita ni Inday Sira hinggil sa pagbanggit sa ‘pagmamatyag o paniniktik ng pamahalaan sa OVP maging sa mga anak na kasama sa araw – araw. Gamit ang kaalaman sa batas, banggit na may paglabag sa batas “child abuse” ang gumagalaw na paniniktik mula sa pamahalaan na maging ang mga bata nito’y tila napapaloob sa galawang banggit. Hindi batid ang pagkairita ni Inday Sira sa “post” ni Bambi sa social media hinggil sa bata. Walang masamang banggit hinggil sa mga bata higit sa anak ng dating kalihim ng DepEd at abalang pangulo. Sa totoo lang, wala sa hulog ang tayo ni Inday Sira at tinahi ang pahayag ng mga panatiko kasunod ang pagbabanta ng pananakit sa banggit na social media personality. Hanap ang sala sa pagbanggit sa salitang bata, ngunit malinaw ang pinagmulan ng pahayag na nag-mula sa tanggapan ng OVP, isang naka-post na pahayag na karga ang ngalan.

Sa pagdaloy ng araw, hindi tumamlay ang kulto ni Inday Sira sa pagbabanta’t pananakot kay Bambi na tila palitaw na lulubog lilitaw sa pahayag sa social media. Samantala, ‘di makuhang tumanggap ng paliwanag sa pinatutuunan na maglilinaw sa usaping nasa harap. Walang masilip na puwang sa katuwiran bagkus ang sarili ang tama at ‘di ang ibang katuwiran. Uulitin, lulubog lilitaw ang gawa sa social media ng kulto na pinaniniwalaang bayaran. Sa totoo lang, ‘di makitaan ng tamang pag-iisip ang kulto ni Inday Sira sa social media ngunit ‘di dapat ipagkibit balikat dahil sa kulturang bitbit, kultura ng karahasan.

Sa pagsubaybay sa banggit na social media practitioner, walang masilip na dapat ikabahala sa hanay ng abalang pangulo dahil likas sa ginagalawang mundo ang makatanggap ng puna hindi upang siraan o sirain, sa halip ang mapabuti ang serbisyong ipinangakong ibibigay sa mga Pinoy. Iwaksi sa isip na personalan ang puna, bagkus ituon ang pag-iisip na ang binabanggit ay tungo sa kagalingan ng hanay. Sa totoo pa rin, ang salang pagtanggap sa puna o batikos ang kahinaan na ‘di malampasan ni Inday Sira, mula noon hanggang ngayon. At batid ni Mang Juan bawat tugon ng abalang, talak at singhay dahil uminit ang ulo sa halip na pagnilayan at lakipan ng tamang aksyon para sa kagalingan ng bayan. O’ sadyang walang laman ang bao sa ibabaw ng balikat at pagmamalabis sa kapwa’t sa salaping bayan ang naiibigan. Sa takbo ng panahon, ang pang-aabuso sa kapwa at sa salaping bayan ang tanging laman ng bao sa ibabaw ng balikat kasehoda ang katayuan ng bayan at ni Mang Juan.

Sa pagtatasa sa kilos ni Inday Sira, hindi mawari kung saan nahubog ang pag-uugali, ang pagiging marahas sa salita’t sa gawa saan man sa mundo. Ang ‘di pagtanggap sa mga gawang ‘di ibig o puna na patukoy sa kanya ang ganap na kinaiirita na silip sa media at social media. Inday Sira, karaniwan ang mapuna higit sa ‘di maayos na pagganap na larawan na mulat ang bayan sa kaganapan sa tanggapang pinamumunuan. Ang maayos na galaw na inaasahan ng taong bayan sa opisyal na binasbasan at ang magnilay sa pag-ayos sa galaw ang inaasahan, at ang ‘di mamalas sa abalang pangulo. Sa pagsasaad sa kilos ni Inday Sira, ang punang banggit sa una’y ‘di magaganap kung sapat at tama ang galawang ipinamamalas. Sa totoo lang, ang puna sa media’t social media ang siyang pagnilayan para sa kinabukasan. Sa halip na gumamit ng paniniil, pananakot na pananakit sa mga taong nagpaparating ng puna sa abalang pangulo, isa-isip na kagalingan ang pakinabang.

Kay Inday Sira, masalimuot ang pinasukang larangan, ang puna o batikos na tinatanggap ay ganap na nagmula sa sariling gawa. Walang basihan ang mga punang ibinabato kung tama ang kilos at gawa. Ang masakit, ‘di ibig ang mga punang ibinabato sa tanggapang pinamumunuan gayung walang masilip na kagalingan sa bayan ang ilang taon sa tanggapan, ‘di bale may CF naman. Ang pagbanggit sa mga salang gawa ang hagdan at bahagdan na dapat gamitin sa pag-aayos ng kilos sa kinabukasan. Sa paglayon na masungkit ang mataas na bunga sa kinabukasan, silip ang pagiging malamlam ang dating sa taong bayan dahil sa padaskol na tugon sa mga katanungan. Sa katunayan, ikinaiirita ni Mang Juan ang tindig sa kasalukuyan ng abalang pangulo na bayarin sa halalan.

Ang tindig na marahas sa kapwa higit sa mga maliliit ang salang gawa ni Inday Sira ang naglalayo sa tao sa laylayan ng lipunan. Ang marahas na tindig na tila karanasan sa nakaraan ang tugunan at dapat baguhin ni Inday Sira ng ‘di mataya ang kinabukasan. Tunay na karangalan ang maglingkod sa bayan higit kung ang tiwala ng bayan ang makamtan. Bilang panghuli, mahirap itaya ang kinabukasan ng bayan sa marahas na lider na ang pagpatay ang paraan ng pamumuno. Sa totoo lang, mag isip-isip Mang Juan sa kinabukasan sa kung sino ang basbasan sa kinabukasan at ilayo ang oo sa marahas na lider ng ‘di muling maganap ang patayan sa ating lansangan. Sa mga politikong mag-seserbisyo, higit sa ibig maging pangulo, unahin ang kagalingan ng bayan bago ang sarili at iwaksi ang karahasan sa halip akayin ang bayan sa kaunlaran.

Maraming salamat po!!!!