Advertisers

Advertisers

PARAÑAQUE LGU KIKILOS SA REKLAMO NG MGA PWD LABAN SA BUSINESS ESTABLISHMENT

0 5

Advertisers

ANG mga taong may kapansanan o PWD sa Lungsod ng Parañaque ay hinihikayat na iulat ang mga business establisment na tumatangging magbigay sa kanila ng mga diskwento at pribilehiyong iniaatas ng batas.



Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez na kikilos ang pamahalaang lungsod sa mga reklamo laban sa mga establisyimento na mapatunayang nagkakait ng mga benepisyo sa mga kwalipikadong PWD.

Binigyang-diin niya na dapat agad na iulat ng mga PWD ang anumang pagtanggi na magbigay ng kinakailangang diskwento sa halip na hayaan na lamang ang mga paglabag.



Ang mga reklamo ay irerekomenda sa mga kinauukulang tanggapan ng lungsod para sa beripikasyon at posibleng aksyon.

Ipinaalala ng pamahalaang lungsod sa mga negosyante na ang pagsunod sa mga pribilehiyo ng PWD ay hindi opsyonal.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10754, ang mga kwalipikadong PWD ay may karapatan sa 20-porsyentong diskwento. (JOJO SADIWA)