Advertisers

Advertisers

Mark Lapid, nagbigay ng mensahe sa mga bagong graduate ng Cavite State University

0 3

Advertisers

Dumalo si Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid sa commencement exercises ng College of Tourism and Hospitality Management ng Cavite State University , Indang Campus.

Si Lapid ang nagsilbing commencement speaker at nagbigay ng mensahe sa mga nagsipagtapos na estudyante na nakatakdang tahakin ang kanilang bagong yugto sa buhay.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Lapid ang mga graduates na gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan bilang bahagi ng patuloy na pag-unlad ng tourism at hospitality industry sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Binigyang-diin din na ang mga bagong graduate ay may mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng industriya ng turismo at sa pagsusulong ng mga oportunidad para sa sektor.

Samantala, patuloy namang isinusulong ng TIEZA ang mga programa at proyektong naglalayong palakasin ang tourism infrastructure at mapaunlad ang industriya ng turismo sa Pilipinas.