Advertisers

Advertisers

Bola ni Max!

0 3

Advertisers

May bola siya ng basketball, volleyball at pickleball.

Mga 250 na mga manager at supervisor ng Max’s Restaurant ang naglaro ng mga yan noong Lunes sa Upperdeck Sports Center sa Julia Vargas St sa Pasig.

Enjoy ang mga kawani sa sportsfest na inorganisa ng Legworx ni Eymare Po para sa resto chain.

Masaya sila na bumuslo, humataw at pumalo. Pati nag-bonding ng araw na iyon.

Kampeon sa volleyball (mixed) ang Green team. Hinabol nila ang laman ng Grey squad para magwagi sa score na 25-19. Isang set lang at race to 25.

Sa basketball naman ay hindi nagawang double victory ng Green nang matalo sila ng Team Red.

Ang mga personalidad sa sportscasting na sina Noel Zarate at Bea Escudero ang naging game announcer at courtside reporter ng palaro ng Max’s. Siyempre ang kanilang presensya ay nagdagdag ng kinang sa venue at tuwa sa mga empleyado.

***

Ayon kay Commissioner Walter Torres ng PSC ay inaasahan ang mga combat sports na magdeliver ng mga medalya sa Asian Games sa Nagoya.

“Malakas tayo sa judo, wushu at taekwondo,” wika ni Comm Torres sa ating programang OKS noong isang Lunes.

Sa ilalim ng kanyang superbisyon ang mga NSA ng mga nabanggit na discipline.

Ang fencing kung saan siya nagmula at naging kinatawan ng bansa noong 1992 Barcelona Olympics ay sinasabi ring bibigyan tayo ng karangalan sa Japan.

***

” Physically fit ang anak ko, sa basketball kaya niya maglaro mula first quarter hanggang 4th Q nang walang palitan, ” giir ng ina ni Aldwyane Dulnuan, ang Phil Navy trainee na namatay umano dahil sa heat stroke sa Zambales nitong Hulyo.

Pero ang opisyal na nakalagay sa medical record na cause of death ay dahil naman sa severe central nervous system infection at compromised respiration.

Ayon kay Gng Dulnuan ay malakas ang anak kaya sila nagtataka sa sinapit.

May physical exam naman tiyak bago ang training.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Eka nga ni Ka Berong ay kailangan talaga ng malalim na pag-aaral ng lahat ng anggulo ng kaso.

Walang kinakampihan si Kaka nguni’t sana lumabas ang buong katotohanan.