Advertisers

Advertisers

Presentasyon sa unexplained wealth ni VP Sara target matapos sa Oktubre

0 4

Advertisers

TARGET umano ng House prosecutors na matapos sa unang o ikalawang linggo ng Oktubre ang presentasyon ng kanilang mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y unexplained wealth nito.

Sinabi ni Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon, kabilang sa kanilang pinal na iskedyul ang posibilidad na hindi tanggapin ng depensa ang 104 requests for admission na inihain ng prosecution.

Ani Ridon, maaari nang hindi tawagin ang lahat ng testigong nasa kanilang listahan kung makikitang sapat na ang mga dokumentong maipapakita sa impeachment court.



Kabilang sa mga pangunahing ebidensyang inihahanda ng prosecution ang mga bank at tax records na may kaugnayan kay Duterte, sa kanyang asawa, at sa kanilang mga pagmamay-aring kumpanya.

Matapos ang presentasyon sa unexplained wealth, inihayag ni Ridon na isusunod agad ng prosecution ang mga ebidensya para sa kaso ng bribery o kaya’y tatapusin ang iba pang natitirang bahagi ng kanilang presentasyon.



Kumpiyansa naman ang buong koponan ng prosecution na makukumpleto na nila ang lahat ng kinakailangang dokumento at mga testigo bago sumapit ang Lunes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">