Advertisers

Advertisers

SEN. JV EJERCITO NANAWAGAN KAY CUSTOMS COMMISSIONER NEPOMUCENO NA LINISIN ANG BOC

0 4

Advertisers

HINIKAYAT Senator JV Ejercito si Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na paigtingin ang hakbang para malinis ang ahensya partikular ang intelligence arm nito – anf Customs Intelligence and Investigation Service o CIIS.

Panawagan ng senador dapat alisin sa pwesto ang mga opiayal at tauhan na sangkot sa korapsyon at pang aabuso.

Sinabi ni Ejercito na sa tingin niya ay maraming nagsasamantala sa paligid ni Nepomuceno kabilang ang mga direktor, mga deputy commissioners at maging ang mga ahensya o opisina gaya ng CIIS.

Kadalasan aniyang nagiging problema kung masyadong maluwag ang pinuno ng ahensya ay nananamantala naman ang kaniyang mga tauhan.

Ginawa ng senador ang panawagan kasunod ng kontrobersiya sa raid ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa isang warehouse sa Bulacan na umano ay imbakan ng mga smuggled na sigarilyo.

Lalo pang lumala ang isyu nang matuklasang tinangka umano ng dalawang BOC personnel na ibenta ang mga nakumpiskang puslit na yosi na dapat sana ay wawasakin na.

Nang unang lumutang ang pangalan ng mga sangkot na tauhan ay itinanggi ni Nepomuceno na kilala niya o pamilyar ang mga ito.

Pero mayroong naunang inilabas na BOC memorandum kung saan nakasaad ang pangalan ng dalawang sangkot na tauh dahil sila ang gumawa ng incident report patungkol sa nangyaring raid.

Bilang chairman ng Senate Committee on Finance si Ejercito ang mag-i-sponsor ng panukalang budget ng BOC para sa taong 2027.