Advertisers
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Setyembre 12, 2026 bilang Day of National Mourning bilang paggunita sa pagpanaw ni National Artist for Literature Resil Mojares.
Nakasaad ito sa Proclamation No. 1434 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto noong Setyembre 10.
Kinilala sa proklamasyon ang malaking ambag ni Mojares bilang guro, iskolar, essayist, fictionist at historian sa panitikan at kasaysayan.
Dito’y binigyang-diin ang naging papel ni Mojares sa pagsusulong ng regional literature at kasaysayan, gayundin sa paghubog ng pagkakakilanlan bilang Cebuano at national identity nito.
Ayon sa Malacañang, malaking kawalan para sa sambayanang Pilipino at sa cultural at artistic community ang pagpanaw ni Mojares, na nagpayaman sa pag-unawa sa literary at cultural heritage ng bansa.
Bilang pakikiisa sa pambansang pagluluksa na ito, ibababa sa half-mast ang watawat ng Pilipinas mula pagsikat hanggang paglubog ng araw ngayong Sabado, Setyembre 12, sa lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa. (Gilbert Perdez)