Advertisers
Nakumpiska ng PDEA, PNP, at PCG ang tinatayang 6 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon sa isinagawang buy-bust sa Sitio Dulong Bangiad, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal dakong ika-5:30 ng madaling araw, Setyembre 14, 2026.
Hawak na ng awtoridad ang mga suspek na sina alyas “Diogen”, 32 anyos, “Muhammad” 31, anyos at “Eddienel” 43-anyos habang nakatakas naman si alyas “Abdila” kapwa nakatira sa Brgy., San Juan.
Nasamsam ng awtoridad sa mga ito ang isang (1) Carbine rifle, 1 M16 rifle, 4 na kalibre. 45 pistol at mga bala, timbangan, cellphone at kwarta sa operasyon.
Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani R. Nerez:
“Isipin ninyo — halos P41-milyong halaga ng droga at armadong sindikato ang nahuli natin. Hindi dito nagtatapos ang imbestigasyon: hahanapin natin ang mga nasa likod nito at susundan ang koneksyon kahit saan pa ito humantong.”
Kakasuhan ang tatlo sa ilalim ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act — habangbuhay na pagkakakulong at hanggang P10-milyong multa ang parusa kung mapatunayang nagkasala. (Edwin Moreno)