Advertisers
KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpakita na ang kapitan ng MV June Aster, ilang araw matapos ang sunog sa barko sa karagatan ng Coron, Palawan.
Ayon sa PCG nitong Martes, Setyembre 15, kusang nagtungo si Captain Roel Sarmiento noong Lunes sa tanggapan ng Atienza Interisland Ferries Inc., ang may-ari at operator ng barko.
Iniulat sa Emergency Operations Center ng PCG ang kanyang paglitaw, kungsaan kasama niya si Dindo Macalinao, HR General ng kompanya.
Inaasahan namang sasailalim si Sarmiento sa imbestigasyon kaugnay ng insidente, kabilang ang kanyang kinaroroonan matapos ang sunog at ang mga nangyari bago siya muling nagpakita.
Nangyari ang sunog Setyembre 9, kungsaan 76 ang nasawi at 12 katao pa ang nawawala, batay sa pinakahuling opisyal na datos.