Advertisers

Advertisers

ENADO, KARNIBAL BA O’ INFIRMARY?

0 3

Advertisers

Magiging katawa-tawa ang Senado na hindi mo malamang kung isa itong KARNIBAL o’ INFIRMARY.

Sadya bang nagpapatawa ang mga ito o’ baka naman totoo ang mga inaarte.

Uso-uso lang kaya, trending o ‘di kaya’y kanya-kanyang gimmick lang ang mga ito.

Nag-umpisa kasi ang palabas matapos na i-serve ang warrant of arrest ni dating speaker Martin Romualdez na humantong sa hospital arrest.

Kung ano-anong sakit ang lumabas at na diagnose sa Cardinal Santos medical center sa San Juan city.

Marami ring photo op at caption ang nakita na kung saan mukhang kaawa-awa ang dating speaker lalo na suot ang kanyang oxygen mask at kung ano-anong pang gadget sa katawan.

Ilan kasing mga Senador na inuugnay sa flood control project scam ang meron ng arrest warrant.

Ilan rin sa kanila ang nakakulong na sa jail kabilang si Senator Rodante Marcoleta na sinundan naman ni Romualdez.

Maliban sa kanila, ilan ring mga engineer, constructor at matataas na tao sa DPWH ang una ng nakulong.

Ang iba pang mga taong sangkot dito ay sina Senator Jinggoy Estrada, Senator Loren Legarda at anak at Congressman Zaldy Co.

Ang nakakatuwang eksena dito ay nang makita ng madla ang Isang matikas na action star sa katauhan ni senator Jinggoy na naka wheelchair.

Hindi mo malamang kung pilay, nadisgrasya sa shooting o sadyang kumukuha lang ng simpatiya.

Malamang din na iniiwasan nitong makulong at mailagay din sa hospital arrest tulad ni Romualdez.

Ang ganitong eksena Kasi ay inumpisahan ni dating Pangulong GMA noong kasalukuyan ring nililitis sa pareho ring Kaso.

Mantakin niyong naka-brace ang buong leeg, naka wheel-chair din at kakaibang facial expression na parang si Mona Lisa he… he… he…

Ito malamang ang ginagaya ni Senator Jinggoy na baka Makita natin Isang araw na naka plaster cast ang buong katawan at gayahin naman ang image ni Machete.

GREETINGS:
BELATED HAPPY HAPPY BIRTHDAY DEAR MAMA MARY ON SEPTEMBER 8, 2026.

IN COMMEMORATION, MATER DEI MARRIAGE ENCOUNTER COMMUNITY CELEBRATED HER BIRTHDAY IN A SIMPLE YET MEANINGFUL EAY IN STO. NINO DE VIOLAGO IN QC.

IT WAS HIGH-LIGHTED BY A HOLY MASS OFFICIATED BY MDC SPIRITUAL DIRECTOR REV. FATHER JAYSON GONZALES FOLLOWED BY SONGS AND DANCES OFFERED TO THE CELEBRANT.

THE EVENT WAS MADE POSSIBLE THROUGH THE CONTINUING EFFORT AND INITIATIVE OF SHEPHERD ROC/CHRIS BULACAN AND SHEPHERD EGAY/REMY JAEN… KUDOS!!!

THEN AND AGAIN HAPPY BURTHDAY MAMA MARY… YOU WILL ALWAYS BE REMEMBERED… MABUHAY!!!